Mga sangkap
300 gramo ng ground meat sa dibdib ng manok 50 gramo ng mantikilya 15 gramo ng hamon 20 gramo ng kabute, ibinabad na sa tubig 15 gramo ng scallops 20 gramo ng hipon, inalisan ang shell 1000 gramo ng mantika (1/20 lamang ang makukunsumo) Isang itlog 10 gramo ng tuyong cornstarch 10 gramo ng scallions 2 gramo ng asin 1 gramo ng vetsin
Paraan ng pagluluto
Tadtarin ang karne ng manok at ilagay sa mangkok. Lagyan ng asin at itlog. Haluing mabuti hanggang malagkit. Lagyan ng tuyong cornstarch at haluing mabuti.
Tunawin ang mantikilya at hiwain nang pino ang hamon, kabute, scallops, hipon at scallions. Haluin ang mga ito at i-marinate sa repridyeretor. Pagkaraang tumigas ang mixture, gawing parang maliit na bola na 1 sentimetro ang diyametro.
Gawing maliliit at sapad na piraso ang tinadtad na karne ng manok. Ilagay ang mga bola ng mantikilya sa ibabaw ng mga ito at gawing bola na 2.5 sentimetro ang diyametro.
Initin sa malakas na apoy ang mantika sa temperaturang 135 hanggang 170 degree centigrade at bawasan ang apoy. Igisa ang mga bola ng manok hanggang maluto. Hanguin at initin ang mantika sa temperaturang 200 hanggang 220 degree centigrade. Igisa muli ang mga bola hanggang maging golden yellow. Hanguin at isilbi.
Katangian: malutong sa labas at malambot sa loob. Napakasarap ng mga bola ng manok dahil marami ang mga sangkap.
Lasa: maalat-alat.
|