Dear Ramon,
Kahit mainit ang ulo ko, kumusta pa rin sa iyo at sa kanila. Gusto kong malaman first of all kung ano ang matatanggap kong consolation prize sa pagsali ko sa inyong guessing game. Hindi ako dapat mangulelat dahil marami akong ipinadalang entries. Take note: marami, kaya I won't settle for anything less.
Pasensiya ka na kung medyo matampuhin ako. Alam mo na siguro Ang dahilan. Basahin mo uli iyung sulat na padala ni Someone-Who-Cares na binasa mo sa air. Malalaman mo kung bakit ako nagkakaganito.
Nakuha ko na iyong t-shirt na ibinigay mo sa akin. May painting ito ng Great Wall. Pero t-shirt lang iyun, walang kasamang sulat. Bakit ka naman ganiyan, meron kang tinitingnan at merong tinititigan?
Kung tatanungin mo ang tenga ko, parang mas maganda ata ang quality ng reception ng inyong transmission sa 12.110 mghz. Kung gusto mong lumamig ang ulo ko, tawagan mo ako sa telepono at kausapin mo ako nang 30 minutes tulad ng iba, okay?
Kung hindi, forget it. No amount of ice can cool me down.
Till then.
Ms. Iron Butterfly Cebu City, Phils.
|