Ang Shudu Gang ang pinakamalawak na pastulan sa rehiyong Zhongdian. Sa wikang Tibetano ang "shu" ay nangangahulugang "keso", samantalang ang "du" ay nangangahulugang "bato".
Sinasabing may isang monghe raw na minsa'y naglakbay rito ang nagbigay ng pangalang Shudu. Lubos siyang nasiyahan sa kesong inihandog sa kanya ng mga taumbayan kaya't nagkaroon siya ng mabuting hangaring ang keso rito'y nanatiling sintigas ng bato.
May espesyal na bagay na nananahan sa Lake Shudu, ito'y ang "isdang may bitak". Mula sa tawag dito malalaman ninyo na ang naturang isda'y may ginintuang katawan at isang bitak sa tiyan. Pero sa totoo lang, napakasarap itong kanin. Ang mga bahay na tabla malapit sa pampang ay mga lugar na dapat puntahan pata sa barbekyu. Ang mga bisita'y maaaring mag-ihaw ng kanilang pagkain mula sa karneng-baka, baboy hanggang sa patatas at isda. Kung titingin kayo nang pahilaga mula sa Shangri-La, makikita ninyo ang isang matandang estrukturang arkitektural. Nasa paanan ng Bundok Foping, mga 5 kilometro mula sa Zhongdian Country, ang Guihua Si (Gedan Songzan Ling Temple) ang siyang pinakamalaking templo sa Lalawigang Yunnan. Makakarating kayo rito nang deretso sa pamamagitan ng bus mula sa bayan ng Shangri-La, o kaya sa bus No. 3. Ang Bayan ng Shangri-La ay ang country seat ng Zhongdian at Diqing Tibetan autonomous region.
Ang Baishui Tai (White Water Terrace) ay napakalayo mula sa Zhongdian. Makakarating kayo rito pagkaraan ng apat na oras na biyahe sa bus. Mula sa malayo, ang baytang-baytang na lupa ay nagkukulay kristal sa sikat ng araw.
Ang bahagi sea naman ay nasa dakong silangan ng Shangri-La. Ang lalim ng dagat ay umaabot sa 40 metro at malinaw sa buong taon. Maaari itong marating sa pamamagitan ng kabayo.
Ang kulay berdeng tubig ay umandap-andap sa masarap na simoy ng hangin at init ng sinag ng araw. Ang tubig sa Bita Sea ay higit na bughaw kaysa Shudu Lake at mas maraming bumibisita rito.
Sasamantalahin ng sinumang nakarinig na sa kuwentong "ang isda'y nalasing sa pagkain ng bulaklak na azalea" ang pagkakataong makita ng sarili nilang mga mata ang gayong tanawin.
Sinasabing habang namumulaklak ang pulang-pulang azalea sa mga buwan ng Mayo at Hunyo ng bawa't taon, kapag nalamon ng isda ang mga talulot ng bulaklak at malalasing ang mga ito at lulutang sa lawa. Alam niyo kung bakit?May lason ang mga talulot ng bulaklak.
|