Nakipagtagpo noong Lunes sa Beijing si premyer Wen Jiabao ng Tsina kay Pham Gia Khiem, dumalaw na pangalawang punong ministro at ministrong panlabas ng Biyetnam. Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Wen na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang relasyon ng dalawang bansa at buong tatag na nagsisikap para sa pagpapalagayan at pagtutulungang pangkaibigan ng dalawang bansa. Umaasa rin siyang buong taimtim na maipapatupad ng dalawang panig ang mga narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, mapapahigpit ang pagtitiwalaang pulitikal at mapapalalim ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan para komprehensibong mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa. Binigyang-diin naman ni Pham ang paghahanda ng panig Biyetnames na magsikap, kasama ng panig Tsino, para walang humpay na mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa. Nang kapanayamin nang araw ring iyon, ipinahayag din ni Pham na mainam ang pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames nitong ilang taong nakalipas, at lipos ng kompiyansa siya sa relasyong ito. Sinabi ni Pham na narating ang komong palagay ng dalawang bansa sa mga isyung gaya ng pagpapaunlad ng kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan, pagtatakda ng hanggahan, pagpapalakas ng kooperasyon sa kultura, siyensiya at teknolohiya. Nananalig siyang sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang partido, dalawang bansa at mga mamamayan ng dalawang panig, walang humpay na titibay at uunlad ang relasyon ng pagkakaibigang pangkapitbansa at komprehensibong kooperasyon ng Tsina at Biyetnam, nang sa gayo'y magbibigay-ambag sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asiyano at buong daigdig.
Ipinahayag noong Biyernes sa Hanoi ni Nguyen Phu Trong, tagapangulo ng Pambansang Asembleya ng Biyetnam, na sa mula't mula pa'y lubos na pinahahalagahan ng kaniyang bansa ang pagpapaunlad ng tradisyonal na relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina at umaasa siyang magsisikap ang Biyetnam, kasama ng Tsina, para walang humpay na mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas. Sa kaniyang paglahok nang araw ring iyon sa hapunang inihandog ni Hu Qianwen, embahador ng Tsina sa Biyetnam, sinabi ni Nguyen na umaasa siyang mapapahigpit ng dalawang bansa ang kanilang pagtutulungan at pagpapalitan sa iba't ibang larangan para walang humpay na mapatatag at mapaunlad ang relasyon ng dalawang bansa. Pinasalamatan din ni Nguyen ang malaking tulong at pagkatig ng Partido Komunista, pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina sa Biyetnam sa sosyalistang konstruksyon nito.
Ipinalabas noong Huwebes sa Beijing ni tagapagsalita Qin Gang ng ministrong panlabas ng Tsina na sa paanyaya ng pamahalaang Tsino, dadalaw sa Tsina mula ngayong araw hanggang ika-13 ng buwang ito si prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand.
Idinaos noong Lunes sa Bangkok ang seremonya ng pagbubukas ng Confucius Academy ng Chulalongkorn University na magkasanib na itinagtag ng Beijing University ng Tsina at Chulalongkorn University ng Thailand, pinangunguluhan ang seremonya ni Maha Chakri Sirindhorn, Prinsesa ng Thailand. Bumigkas ng talumpati si Zhang Jiuhuan, embahador ng Tsina sa Thailand na sa kasalukuyan, ang pag-aaral at pagkaunawa ng kultura ng Tsina ay naging isang mithiin ng mga tao sa Thailand, lalu-lalo na ang mga kabataan. Dahil dito, magkakasunod na itinatag ang 11 Confucius Academy sa Thailand. Bukod dito, pagkakaisang ipinahayag ng mga mga namamahalang tauhan ng Beijing University at Chulalongkorn University na magkasamang magsisikap para mapabuti ang Confucius Academy at aktibong magbibigay ng ambag sa pagpapalitan at kooperasyon ng kultura at edukasyon ng Tsina at Thailand.
Idinaos noong Lunes sa punong himpilan ng Kasikorn Bank sa Bangkok, punong lunosod ng Thailand ang simposyum ng mga kabataan ng Tsina at Thailand na may tamang "pagpapapunlad ng potensiyal ng kabataan, magkasamang pagtatatag ng mas mabuting kinabukasan". Nangulo si prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand sa seremonya ng pagbubukas, at bumikas ng key note speech na may tamang " pag-unlad ng mga bata at kabataan sa maralitang purok". Isinalaysay naman sa kayang talumpati ni He Junke, namamahalaang tauhan ng All China Youth Federation ang mga kalagayan ng kanyang pederasyon. Halos 1000 may kinalamang tauhan mula sa Tsina at Thailand ang kalahok sa simposyum na ito.
Noong Huwebes, natapos ang 9 na araw na pagdalaw sa Vietnam ang delegasyon ng mga may-akdang Tsino. Sa panahon ng pagdalaw, nagpalitan ng palagay ang mga may-akdang Tsino at Biyetnames hinggil sa kasakuluyang kalagayan ng sirkulo ng panitikan ng dalawang bansa at ipinahayag nila ang pag-asang mapapahigpit ang pagpapalitan at pagtutulungan sa hinaharap.
Sa ika-7 ng buwang ito, bubuksan ng lalawigang Yunnan sa timog-kanlurang Tsina ang isang linya ng paglalakbay patungong 5 bansang ASEAN. Ayon sa salaysay, ang linyang ito ay nagsimula sa Yuxi sa katimugang Yunanan at dumaan ng Simao at Xishuangbanna papuntang Myanmar, Laos, Thailand, Malaysya at Singapore. Sa linyang ito, makakaranas ng mordernong urban, tanawin ng tropical rain forest at mga kaugalian at katangian ng iba't ibang nasyonalidad.
|