Ang Liangyungang na siyang hilagang "terminus" ng Lanzhou--Lianyungang Railway sa baybayin ng Yellow Sea sa Hilagang-Silangang Lalawigan ng Jiangsu ay ang pinakamalapit na lagusan sa dagat para sa Hilagang-Kanlurang Tsina at sa mga purok sa lower at middle reaches ng Yellow River. Nasa pagitan ng bundok at dagat, ito ay isang bagong-unlad na lunsod na may lawak na 740 kilometro kuwadrado. Ang pagiging kaakit-akit nito at pagkakaroon ng katamtamang klima ang dahilan kung bakit naging paborito itong lugar para sa pagliliwaliw at sa pagbabakasyon kung tag-init.
Ang isa sa mga kawili-wiling lugar dito sa Lianyungang ay nasa kanluran lamang--ang Yuntai Mountain. Ang bundok na ito ay may sirkumperensiya na mahigit sa 140 kilometro at may 136 na taluktok. Ang 620-metrong Jade Maid Peak ang pinakamataas sa Jiangsu. Ang Yuntai Mountain ay tinatawag na numero unong fairyland sa East China Sea. Ang dahilan ay ang magaganda nitong tanawin, malalalim na kuwebe, mga bulaklak at mga prutas. Ang karamihan sa mga lugar na inilalarawan sa klasikal na nobelang Tsinong "Journey to the West" ay sinasabing base sa mga matanawing purok ng bundok na ito: Ang Flower ang Fruit Mountain at Waterfall Cave kung saan nanirahan ang Monkey King Sun Wukong, ang malaking bato kung saan ipinanganak ang Monkey King, ang Family Reunion Palace na templo ng pamilya ni Monk Xuan Zang at ang Pig Rock na may kaugnayan sa isa pang tauhan mula sa naturan ring nobela. Ang Sanyuan Temple na 1300 taon na ang edad at matatagpuan sa bundok sa lugar na 400 metro mula sa lebel ng dagat ay isa sa mga kilalang sinaunang monasteryo sa Tsina.
Makikita naman ng mga bista kung gagawi sila sa dakong 15 kilometro sa silangan ng Lianyungang ang Sucheng Town na sinasabing itinayo sa kautusan ni Emperor Li Shimin (taong 599-649) ng Tang Dynasty noong ito ay gumawa ng ekspedisyon sa Silangang Tsina. Ang bayan ay nasa maliit na kapatagan na napapaligiran ng mga bundok na maraming waterfalls, matatandang puno at may kakatwang hugis na taluktok na mararating sa pamamagitan ng isang kalye. May isang reservoir sa paanan ng mga bundok. Ang ilan sa mga kilalang matanawing lugar ay ang Boat Hill Cascade, Rock Gate, at ang Crouching Dragon Pine.
Sa hilagang paanan ng Yuntai Mountain ay may isang daungan--ang Lianyungang Port. Ang puwertong ito ay isang likas na malalim na puwerto o "deep-water harbour" na kung saan maaring dumaong ang mga "ocean-going ships" na may sampung libong tonnage. Ang lugar na malayo sa baybayin o "offshore" ay nananagana sa isda at hipon, sugpo sa partikular, at isa sa mga pangunahing lugar ng pangingisda ng Tsina at base para sa pagpapayaman ng mga produktong-dagat.
Ang mga pangunahing hotel sa Lianyungang ay ang Yuntaishan Hotel sa Xinpu, Lianyun Hotel sa harap ng istasyon ng tren, at ang First Municipal Guesthouse na nasa Xinpu rin.
Ang mga pangunahin namang malalaking tindahan ay ang Lianyungang Friendship Store na nasa harbour mismo, ang Lianyungang Ocean Shipping Supply Company sa Tao'an, ang Lianyungang Art and Crafts Service Department sa Xinpu at ang Lianyungang First Department Store sa Xinpu.
Subukin din ninyong pasukin ang Longhai Restaurant na matatagpuan din sa Xinpu. Hindi kayo magsisisi sa ganda ng serbisyo nito.
|