Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Cooking Show ng programang Alam Ba Ninyo.
Magandang gabi. Kumusta poooh.
Bago tayo magsimulang magluto, gusto ko munang pasalamatan ang lahat ng mga tagapakinig na Pilipino at non-Filipino sa pagpapakita nila ng pagpapahalaga sa programang ito at sa mga lutuing Tsino na ipinakikilala namin dito. Ang inyong appreciation ay nagsisilbing inspirasyon sa amin para lalo pa naming mapagbuti ang programang ito at mapag-ibayo ang pananaliksik sa larangan ng Chinese cuisine. Ang kasaysayan ng mga lutuing Tsino ay halos kasinghaba ng kasaysayan ng sibilisasyon ng Tsina at marami pang masasarap na putahe ang maari naming masaliksik at maibahagi sa programang ito.
Narito na ang Holy Week at marami ang nagtatanong kung anong Chinese food ang magandang lutuin para sa Easter. Natutuwa naman ako dahil nagtatanong kayo ng lulutuin para sa Easter Sunday at hindi para sa Holy Friday. Ibig sabihin, magpa-fasting kayo sa Biyernes Santo. Maganda iyan. Ang fasting ay mabuti sa inyong katawan at kaluluwa. Of course, hindi ito ipinapayo sa mga pinahihirapan ng karamdaman at doon sa mga bata. Pero lahat tayo ay puwedeng mag-ayuno--for our health and spiritual upliftment.
Ngayon, bago humaba ang sermon ni Kuya Ramon, narito na an gating guest cook, si Filipinas Jovellanos, sa kaniyang Chinese meat dish na aniya ay bagay na bagay para sa nalalapit na Easter Sunday.
Stir-fried Onions with Meat. Tandaan niyo, ha? Sabi ni Fili, karne ng baboy daw ang talagang panahog dito pero puwede rin daw ang karne ng baka. Depende raw sa type ninyo. Siguruhin lang daw na walang-taba.
Okay, tingnan naman natin kung ano ang mga kailangan sa pagluluto ng Stir-fried Onions with Meat...
300 gramo ng sibuyas 50 gramo ng lean meat 2 gramo ng asin 1 gramo ng vetsin 8 gramo ng toyo 10 gramo ng asukal 30 gramo ng tubig 100 gramo ng mantika 20 gramo ng mixture of cornstarch and water 3 gramo ng xiaoshing wine
Talagang maraming sahog. Pero sabi ni Fili hindi bale raw at espesyal naman ang lasa.
Ngayon, tingnan natin kung gaano ka-espesyal ito. Simulan na natin ang Pagluluto...
Tamang-tama itong Stir-fried Onions with Meat pagkaraan ng ilang Biyernes na abstention sa karne.
Thank you so much, Fili. Huwag ka munang aalis. Tayo ang unang-unang titikim ng luto mo.
Para doon sa mga hindi nakakabatid, si Fili ay isang professional singer at kasalukuyang nagtatanghal sa Landmark Hotel.
Naritong muli ang paraan ng pagluluto:
Alisan ng balat ang sibuyas tapos gayatin. Hiwa-hiwain din ang karne bago lagyan ng asin at buhusan ng xiaoshing wine at mixture of cornstarch and water. Haluing mabuti pagkatapos.
Mag-init ng mantika sa temperaturang 180-200 degrees centigrade. Igisa ang karne sa loob ng 2 hanggang 3 minuto. Hanguin at patuluin.
Mag-iwan ng 50 gramo ng mantika sa kawali. Ilagay ang ginayat na sibuyas at igisa.
Buhusan ng tubig at toyo at lagyan ng asin, vetsin at asukal tapos pakuluin. Buhusan ng mixture of cornstarch and water para lumapot. Ilagay ang mga piraso ng karne at haluin. Isalin sa plato at isilbi.
Tamang-tama lang ang oras natin. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|