Idaraos sa Shanghai, isang lunsod sa silangang Tsina, ang 2010 World Expo. Datapuwa't 3 taon pa para sa pagbubukas ng expong ito, aktibong naghahanda na nagyon ang Shanghai. Sa kasalukuyan, maalwan ang progreso ng iba't ibang gawaing preparatoryo.
Noong katapusan ng taong 2002, matagumpay na nagkamit ang Shanghai ng karapatan sa pagdaraos ng 2010 World Expo. Ito ang kauna-unahang pagdaraos ng expong ito sa umuunlad na bansa. Ayon sa plano ng expo, ngyong taon ang ika-2 taon para sa komprehensibong paghahanda. Isinalaysay ni Zhou Hanmin, pangalawang puno ng kawanihan ng pagkokoordinahan ng Shanghai World Expo na sa kasalukuyan, napakaalwan ng progreso ng iba't ibang gawaing preparatoryo. Sa aspekto ng mga kalahok, binabalak ng expong itong tumanggap ng 200 lalahok na bansa at organisasyong pandaigdig. Kung maisasakatuparan ang target na ito, ito ang magiging rekord sa kasaysayan ng World Expo. Hanggang noong ika-27 ng Marso ng taong ito, 125 bansa at organisasyong pandaigdig ang tumiyak na lalahok sa expo na mas malaki kumpara sa inaasahang bilang ng lupong tagapag-organisa. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Zhou na ito ay hindi lamang dahil sa tumataas nang tumaas na impluwensiya ng Tsina sa daigdig, kundi rin sa isang magandang tema ng expong ito- Better City, Better Life. Kasabay nito, pinagtutuunan din ng panig Tsino ng higpit na pansin ang mga umuunlad na bansa sa kanilang paglahok sa expo, kaya, ang 2010 Shanghai World Expo ang nagging katanggap-tanggap sa buong daigdig. Sinabi ni Zhou na:
"Naglaan ang Tsina ng 100 milyon dolyares para tulungan, pangunahin na, ang mga umuunlad na bansa sa kanilang paglahok sa expong ito. 114 na bansa ang makikinabang sa patakarang ito, magkakaloob ang Tsina ng mga walang-bayad na pasilidad ng eksibisyon para sa kanilang paglahok sa expong ito."
Tinatayang lalampas sa 170 ang bilang ng mga kalahok na bansa o organisasyong pandaigdig sa expong ito sa katapusan ng taong ito. At tinataya ding 70 milyong person-time na turista ang dadalaw sa Shanghai sa panahong iyon.
Bukod dito, abalang-abala ngayon ang konstruksyon ng World Expo Park. Sinimulan na ang konstruksyon ng mga imprastruktura, pasilidad at mga may kinalamang proyekto noong nagdaang taon at tinatayang matatapos ang mga ito sa huling dako ng taong 2009. Ayon sa plano, ang magiging park eng ekspo ay aabot sa 5.28 kilometro kuwadrado na bumabagtas sa Ilog Huangpu na may 450 metro ang lapad. Lupos na pinapurihan ng International Bureau of Expositions o BIE ang kahanga-hangang planong ito. Ayon sa planong ito, 18 libong residente at halos 300 bahay-kalakal sa pinaplanong parke ang kailangang lumipat. Kabilang dito, ang paglilipat ng mga residente ang pinakahirap para sa mga gawaing preparatoryo sa unang yugto. Ngunit, pagkaraan ng pagsisikap ng iba't ibang panig, matagumpay na nilutas ang isyung ito. Naitatag ng pamahalaan ang isang espsiyal na komunidad para sa nasabing mga residente at nagbigay-subsidy para sa kanilang pagbili ng bagong bahay. Sa kasalukuyan, ang lahat ng mga residente ang lumipat sa kanilang bagong bahay, sa gayo'y, nagiging silang unang makikinabang sa Better City, Better Life.
Para sa mga kailangang lumipad na bahay-kalakal, ipinalalgay nilang ito ang isang pagkakataon para sa kanilang pag-unlad. Sinabi ni Zhou Xiangting, namamahalang tauhan ng paggawa ng bakal at asero na may 94 na taong kasaysayan na:
"Batay sa pangmalayuang pananaw, nagkaloob ang paglilipat ng isang malaking espasyo ng pag-unlad kapuwa sa aming bahay-kalakal at kaming sarili. Pagkaraaan ng paglilipat, dodoble ang lawak ng aming bahay-kalakal at gagamitin din ang mga sulong na teknolohiyang pamproduksyon. Dahil dito, tataas ang episiyensiya ng produksyon at bubuti rin ang kapaligiran."
Kaugany ng kasalukuyang maalwang progreso sa paghahanda sa World Expo, kasiya-siya si Yang Xiong, pangalawang alkalde ng Shanghai, Sinabi niyang:
"Ang maalwang progreso ng iba't ibang gawaing preparatoryo sa World Expo ay hindi lamang dahil sa pagpapahalaga ng bansa at masiglang reaksyon ng komunidad ng daigdig, kundi rin sa pagkatig ng bawat taga-Shanghai at sambayanang Tsino."
|