Dahil sa maraming kabataang Tsino na nahahaling ngayon sa pagpapaganda ng hugis ng katawan, nagsulputan ang mga fitness center sa malalaking lunsod sa buong bansa. Ang dumaraming kompetisyon ay nangangahulugan din na mas madali nang maging kasapi nito.
Noong isang taon, mahirap makahanap na ang taunang membership ay wala pang 6,000 RMB, pero ngayon ay makakasapi ka na sa isang gym sa halagang 4,500 RMB sa loob ng 18 buwan.
Bilang manager ng isang fitness center sa Beijing, ipinaliwanag ni Alyona Vostrikova na "may isang bagong sport club na itinatayo malapit sa aming lugar, kaya ginagawa naming ang lahat n gaming magagawa upang makaakit ng mga bagong kleyente."
Si Alyona ay ipinanganak sa Blagoveshchensk sa dulong silangan ng Rusya. Nagtapon siya sa Khabarovsk Physical Culture Institute at may siyam an taon sa pagpapaganda ng hugis ng katawan sa Tsina, nagkaroon siya ng magandang career, na mula sa dating isang instruktor ay naging isa na siyang fitness manager. Sa ngayon ay nakapagbukas pa nga siya ng sariling yoga club.
Karamihan sa kanyang customer ay mga kabataang Tsino, pero kung sa araw ka paparito sa club, makakatagpo ka ng maraming babae, karamihan sa kanila ay mga asawa o kasintahan ng mga biglang yaman, kaya higit nilang kanilang manatiling maganda ang hugis ng katawan. Ang mga expat ay bumubo ng mga 10 porsiyento ng mga customer, at tila higit na nagugustuhan nila ang exercise bike.
SUNDAN sa ika-12 ng Abril
|