Ang Beibu Gulf Economic Zone ay matatagpuan sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina. Kasabay ng pagpapabilis ng pagtatatag ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina't Asean o CAFTA, mabilis na isinusulong din ang sonang pangkabuhayang ito bilang pusod ng pagtutulungang Sino-Asean.
Ang Qinzhou ay isang bagong-silang na lunsod-baybayin sa Beibu Gulf. Buong-sikap na nagpapasulong ngayon ang pamahalaan ng Qinzhou ng makabagong logistics industry sa lokalidad para mapasulong ang pagkakalakalan ng Tsina't mga bansang Asean. Sa isang bagong-bukas na puwerto sa Qinzhou, sinabi sa mamamahayag ni Wang Delun, isang opisyal ng lokalidad na:
"Iyong mga manganese at iron ore ay iniluluwas mula sa mga bansang Asean. Gusto naming maidebelop ang Qinzhou bilang isang mahalagang base na namamahagi at nagpoproseso ng mga produktong mineral. Sa katunayan, maraming bahay-kalakal na Tsino ng metalurhiya ang nagpahayag ng intensyon na mamuhunan sa Qinzhou."
Sinabi pa ng naturang opisyal na kasabay ng paglaki ng pangangailangan ng Tsina, tumataas taun-taon ang bolyum ng mga inaangkat na produktong mineral sa pamamagitan ng puwerto ng Qinzhou.
Ang Puwerto ng Fangcheng ay isa pa ring lunsod-baybayin ng Beibu Gulf na kahangga rin ng Biyetnam. Sinabi sa mamamahayag ni Zeng Lizhao, isang opisyal sa lokalidad na namamahala sa kalakalan sa hanggahan, na:
"Sa pamamagitan ng daungang ito, naihahatid sa Tsina ang mga produkto ng Biyetnam na tulad ng tsaa, sea food at munggo samantalang napaparating sa Biyetnam ang mga produkto ng Tsina na gaya ng home appliances, produkto ng paghahabi at materyal sa konstruksyon."
SUNDAN sa ika-13 ng Abril
|