• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-09 19:50:51    
Ginintuang Zhangpu

CRI
Isang Mahalagang lugar pang-ekonomiya sa "Golden Triangle" na kinabibilangan ng mga lunsod ng Xiamen, Zhangzhou at Quanzhou ng Zhangpu. Ito ay nasa timog silangang baybayin ng lalawigang Fujian, karatig ng Taiwan Straits sa silangan, kaharap ng Dongshan at Shantou sa timog, kalapit ng Zhangzhou at Xiamen sa hilaga. Ito ay may sukat na 1981 kilometro kuwadrado at may 78 milyong populasyon. Kilala ang Zhangpu sa pagkakaroon ng maraming ulan, matabang lupa at mayamang kalikasan. Sa gayon, tinatawag ang lugar na ito bilang "Ginintuang Zhangpu".

Nang mapagtibay ang patakaran ng Tsina ukol sa reporma at pagbubukas sa labas, isinakatuparan ng Zhangpu ang pangunahing layunin ng partido na "pagbubukas tungo sa pag-unlad at pag-unlad tungo sa pagbubukas". Bunuksan ng Zhangpu ang pinto nito para sa mga dayuhang nais mamuhunan at umani ang aksiyong ito ng malaking tagumpay. Dahil dito, itinatag ng Zhangpu ang Suian Industrial District at ang apat na Min Tai agricultural general test districts sa Jiuzhen, Gulei, Da Nan at Wan An sa pamumuno ni G. Cai Shuizhi. Upang makapamuhunan ang dayuhang kapital, mapalawak ang joint-venture enterprises at maipakilala ang agricultural development technique and breeding, itinayo ng Zhangpu ang sistema ng pamumuhunang pandayuhan para sa payong, damit, konstruksyon, elektrisidad, produktong pandagat at pang-agrikultura at iba pa.

Itinatag ang Suian Industrial Development District ng Zhangpu noong Hunyo ng taong 1991. Ito ay nakatayo sa hilagang silangan ng Zhangpu. Pumapagitna ito sa mga mahahalagang pambansang lansangan at ng Niujiu. Madali ang transportasyon at maganda ang posisyon nito. Kinakailangang dumaan dito ang lahat ng trapikong panlupa mula Hongkong, Macao at Guangdong hanggang Fujian. Ito ay may mga sandaang milya mula sa economic zones ng Xiamen at Shantou. Kaya naman, kaakit-akit ang kapaligiran nito para sa pamumuhunan, pandayuhan man o panloob.

Sa mga nakaraang taon, umani ng maraming mamumuhunan ang mapang-akit na kaligiran ng Zhangpu. Sa ngayon, may 87 proyekto ang naipakilala, at 56 ang proyektong may dayuhang pamumuhunan. Umabot sa 1.6 bilyong Dolyares ang pangkabuuang investment. Sa taong 1997, umabot sa RMB 7.6 bilyon ang pangkalahatang produksyon. Ang mga mamumuhunan ay mula sa Japan, USA, Indonesia, Italya, Belgium, Hongkong, Taiwan, Beijing, Xiamen, Xinjiang at iba pang mga bansa at lugar. Higit sa 6000 manggagawa ang nanirahan na sa lugar na ito.

Isa sa mga kilalang mamumuhunan mula sa Taiwan si Wang Mowju, tagapangulo ng Bao Song Industrial Co., Ltd ng Taiwan, Concord Luck Limited ng Hongkong at Holy Luck Co., Ltd. ng Taiwan. Ang mga kompanyang ito ang gumagawa ng mga damit, kubrekama, tela, payong at iba pang mga garments.

Malayo na ang naabot ng Suian Industrial District sa loob ng siyam na taon nitong patuloy na pagtakbo. Sa ngayon, nakapagluluwas na ang distritong ito ng mga damit, sapatos, sumbrero, payong, tolda, tela, alahas, at iba pang produkto. Kasama na rin ang real estate, ang buong distrito ay tumutungo sa isang kumpleto, mabisa at mahusay na negosyo.

Tunay na mainam na lugar para sa pamumuhunan ang Suian Industrial Development District. Bukas ang pinto ng Zhangpu sa inyong mga nais mamuhunan dito.