Ipinahayag noong Biyernes sa Beijing ni Long Yongtu, pangkalahatang kalihim ng Boao Forum for Asia na idaraos ang taunang pulong ng naturang porum sa 2007 sa Boao ng Lalagiwang Hainan ng Tsina sa ika-20 hanggang ika-22 ng buwang ito, sa kasalukuyan, maalwan ang mga gawain ng preparasyon. Isinalaysay ni Long na ang tema ng pulong na ito ay "Asia Winning in Today's Global Economy--Innovation and Sustainable Development". Lalahok sa pulong sina Wu Bangguo, tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, Gloria Macapagal Arroyo, pangulo ng Pilipinas, Shaukat Aziz, punong ministro ng Pakistan at iba pang personaheng pulitikal at komersyal. Tatalakayin ng mga kalahok hinggil sa intergrasyong pangkabuhayan ng Asya at responsibilidad sa lipunan ng mga bahay-kalakal at iba pang isyu.
Dumating noong Lunes ng Beijing si Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand at nagsimula ng kaniyang 12 araw na pagdalaw sa Tsina. Ito ay ika-24 na pagdalaw ni Sirindhorn sa Tsina. Bukod sa Beijing, dadalaw siya sa Qinghai, Tibet, Hubei, Zhejiang at Shanghai. Nang araw ring iyon, nakipagtagpo kay Sirindhorn si kasangguni Tang Jiaxuan ng estado ng Tsina. Pinapurihan ni Tang ang mahalagang ambag ni Sirindhorn sa nakaraang maraming taon sa pagpapasulong ng pagpapalitan at kooperasyon sa larangan ng kultura, edukasyon at iba pa at pagpapahigpit ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Thailand. Sinabi rin ni Tang na lipos ng kompiyansa ang Tsina sa prospekto ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa. Ikinagagalak ni Sirindhorn ang kanyang muling pagdalaw sa Tsina. Sinabi niya na magbibigay siya ng bagong ambag sa pagpapasulong ng pagkakaibigan ng Tsina at Thailand. Noong Martes, nakipagtagpo naman kay Sirindhorn tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina. Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Wu na ang pagpapaunlad ng relasyong Sino-Thai ay komong hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa at nakahanda ang Tsina, kasama ng Thailand, na palawakin ang larangan ng kanilang kooperasyon at pahigpitin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para makapagbigay ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Sinabi rin ni Wu na ang kasalukuyang napakahigpit na relasyong Sino-Thai ay bunga ng magkasamang pagsisikap ng dalawang bansa at hindi rin ihihiwalay sa pagmamalasakit, pagkatig at paglahok ng royal family ng Thailand. Noong Martes, sa kanyang pagdalo sa simposyum hinggil sa agricultural bio-tech ng Tsina at Thailand, ipinahayag ni Sirindhorn na umaasa siyang ibayo pang mapapahigpit ng kanyang bansa at Tsina ang kooperasyon sa aspekto ng agricultural bio-tech. Nang araw ring iyon, idinaos sa Beijing Museum ni Sirindhorn ng ang photographic exhibition. Tinanghal sa pagtatanghal na ito ang maraming mahalagang photos na kinuha ni Sirindhorn sa Tsina noong nakaraang mahigit 20 taon. Noong Miyerkules, dumating ng Qinghai, kanlurang lalawigan ng Tsina, si Sirindhorn at nagsimula ng kaniyang 4 na araw na pagdalaw doon.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay dumadalaw na ministrong pangkomunikasyon Li Shenglin ng Tsina, ipinahayag noong Martes sa Hanoi ni punong ministro Nguyen Tan Dung ng Biyetnam na palaging pinahahalagahan ng partido at pamahalaan ng Biyetnam ang pagpapasulong at pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng Biyetnam at Tsina, at umaasang magsisikap, kasama ng Tsina, para totohanang mabisang mapasulong ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang panig sa iba't ibang larangan. Sinabi ni Nguyen na patuloy na napasulong at napaunlad nitong nakalipas na ilang taon ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa. Umaasa ang Biyetnam na pasusulungin ng departmentong pangkomunikasyon ng dalawang bansa ang kooperasyon para mapabilis ang pagpapatupad ng koridor na pangkabuhayan mula Kunming hanggang Hanoi at mula Nanning hanggang Hanoi at proyektong pangkomunikasyon sa proyektong pangkooperasyon ng rehiyong pangkabuhayan sa Beibu Bay. Sinabi ni Li Shenglin na lubos na pinahalagahan ng pamahalaang Tsino ang naturang kooperasyon at itinuturing ito na tulay at bigkis ng pagpapasulong ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Nakipagtagpo noong Martes sa Beijing si Zhou Tienong, pangalawang tagapangulo ng pulitikal na konsultatibong kapulungan ng mga Mamamayang Tsino at pangalawang tagapangulo ng Association for International Understanding of China, sa delegasyon ng Union Solidarity and Development Association in Myanmar. Ipinahayag ni Zhou na pinahahalagahan at akibitong kinakatigan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan ng mga organisasyon at grupong panlipunan ng dalawang bansa, at umaasang ibayo pang pahihigpitin ng dalawang panig ang pagpapalitan at palalalimin ang pagkakaibigan at pauunlarin ang pagtutulungan at pasusulungin ang patuloy na pag-unlad ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Sa kaniyang pakikipagtagpo noong Martes sa Beijing kay Syafrie Syamsuddin, ministro ng tanggulan ng Indonesiya, ipinahayag ni Cao Gangchuan, kasangguni ng estado at ministro ng tanggulan ng Tsina, na nakahanda ang Tsina, kasama ng Indonesiya, na komprehensibong pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa para sa kapakanan ng kanilang mga mamamayan sa ilalim ng baong target na tiniyak ng mga lider ng dalawang bansa. Si Syafrie ay pumarito para sa paglahok sa ika-2 pagsasangguniang panseguridad at pandepensa ng dalawang bansa. Sa kanilang pagtatagpo, umaasa pa si Cao na sasamantalahin ng dalawang panig ang mekanismo ng pagsasangguniang panseguridad at pandepensa para sa lubos at malalim na pagpapalitan ng palagay at nang sa gayung patuloy na pasulungin ang relasyon ng dalawang hukbo. Mataas na pinahalagahan ni Syafrie ang relasyon ng dalawang bansa at kanilang hukbo at ipinahayag niya na nakahanda ang kaniyang bansa, kasama ng Tsina, na ibayo pang pasulungin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa at kanilang hukbo at magsikap para sa pangangalaga sa katatagan ng rehiyong ito at pagpapasulong ng komong pag-unlad.
|