• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-09 20:04:41    
Sistema ng minimum living allowance sa kanayunan ng Tsina

CRI

Mula sa ika-2 ng Abril

Aniya, ang sustento ay hindi lamang nakabawas ng kahirapan ng kanyang pamilya; mas mahalaga, nabago nito ang kanyang atityud sa tadhana. Sinabi niya na:

"Noong araw, akala ko, di-pantay ang daigdig. Pero ngayon, salamat sa pangangalaga sa akin ng pamahalaan, lipos na ako ng pananalig sa buhay."

Napag-alamang nakapagbukas na si He ng isang tindahan at nag-aalaga na rin siya ng baboy sa pamamagitan ng pautang mula sa bangko.

Sa kanyang ulat hinggil sa mga gawain ng Pamahalaang Tsino sa taunang sesyong plenaryo ng Pambansang Kongresong Bayan o NPC, punong lehislatura ng Tsina, noong unang dako ng buwang ito, solemnang ipinangako ni Premyer Wen Jibao na:

"Simula sa kasalukuyang taon, paiiralin sa buong kanayunan ng bansa ang sistema ng minimum living allowance. Naglalayon itong pangalagaan ang interes ng mga magsasakang Tsino at pasulungin ang pagkakapantay-pantay ng lipunan."

Gayunpaman, bilang isang bansa na may malaking mahirap na populasyon sa kanayunan, nahaharap pa rin ang Tsina sa ilang problema pagdating sa pagpapairal ng patakarang ito.

Kaugnay nito, iniharap ni Li Xueju, Ministro ng Suliraning Panloob, ang dalawang problemang dapat pangkagipitang malutas. Sinabi niya na:

"Una, dapat dagdagan pa ng pambansang pamahalaan at mga pamahalaang lokal ang laang-gugulin dito; ikalawa, dapat bumalangkas ng mga kinauukulang panig ng isang dokumento bilang patnubay sa pagpapairal ng patakarang ito."