• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-09 20:05:08    
China plays good Samaritan to its neighbors

CRI
Ang Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina ay nakikiisa sa buong sa buong sambayanang Filipino sa kanilang pagdiriwang ng Semana Santa.

Ngayon ay Biyernes Santo--araw ng pagtitika, Pagsasakripisyo, pagninilay-nilay, pagdarasal at pag-iisip ng mabuti sa kapuwa.

Dalawang tagapakinig ang nagpapaabot ng kanilang mensahe sa okasyon ng Semana Santa.

Tunghayan natin ang liham ni Gladys ng West Coast Way, Singapore. Sabi ng liham:

Dear Kuya,

Sana nasa mabuti kayong kalagayan sa pagdating ng sulat ko. Ngayong panahon ng Mahal na Araw, sinisikap kong gumugol ng mas maraming oras sa pagdarasal at ipinagdarasal ko hindi lamang sarili ko kundi mga kamag-anak, kaibigan, ang ating bansa, kayo riyan sa China at ang buong mundo.

Ang China ay maihahambing ko sa Good Samaritan ng New Testament sa pagtulong niya sa mga bansang nangangailangan. Tumutulong ito nang walang pag-iimbot at wala itong pinipili. Lahat ng nangangailangan ng tulong tinutulungan niya sa abot ng makakaya at may mga pagkakataon pa ngang pinatawad nito ang pagkakautang ng ilang bansang baon sa utang.

Maihahambing ko rin ang China sa isang miracle worker sa pag-i-introduce nito sa ibang bansa ng bagong paraan ng pagtatanim

na nag-result sa double o triple harvest. Bihira rin ang istasyon na tulad ng sa inyo na nagbibigay ng tumpak na guidance sa mga tagapakinig. Ang inyong programa ay hindi lang pang-entertainment, ito ay pang-public information, pang-public service,

pang-sports at tinig at tenga rin ng balana.

Naniniwala ako na magiging popular na popular kayo pagdating ng araw kasi meron kayong rapport sa listeners.

Magandang pagkakataon ito para manawagan sa mga tagapakinig na gawing makabuluhan at makahulugan ang Mahal na Araw.

God Bless You...

Gladys Manzano
West Coast Way
Singapore

Salamat Gladys sa iyong remarks hinggil sa Mahal na Araw at observation dito at gayundin sa iyong impression sa China sa context ng New Testament. Napakaganda talaga. Thank you uli and God Love You.

Bago tayo dumako sa ikalawang liham, tunghayan muna natin ang ilang SMS mula sa ating textmates...

Mula sa 928 490 1244: "Sana matutong magtika ang buong mundo!" Mula sa 910 368 2201: "Kuya, maghatid sana sa iyo ng maraming grasya ang Semana Santa. At mula naman sa 921 806 6699: "Let there be peace on earth!"

Tingnan naman natin kung ano ang sinasabi ng liham ni Malou ng K.S.A.:

Dear Kuya Ramon,

Medyo nakakalungkot dahil nawawala na ang traditional way ng pagse-celebrate ng Mahal na Araw at parang hindi Holy Days ang turing ng iba rito. Ano ba naman sila? Minsan lang ito sa isang taon. Once a year lang sila magpepenitensiya hindi pa nila magawa. Iba na talaga ang ikot ng mundo.

Pero naniniwala ako-- at ito ay 100% -- sa power and effectivity ng Prayer. Kaya kasabay ng pag-aayuno at abstentions at sacrifices, ipinagdarasal ko ang pagtungo ng mundo sa katahimikan. Sari-saring kaguluhan ang nagaganap sa iba't ibang lugar ng mundo. Madi-discourage ka kapag nakarinig ka ng ganitong mga balita. Dagdagan na lang natin ang ating dasal.

Ang inyong istasyon ay instrumento ng kapayapaan. Objective ang inyong mga balita. Hindi kayo mapanira na tulad ng ibang media organization. Sana isulong pa ninyo ang usapin ng pagkakaibigan ng mga bansa at usapin ng kapayapaan sa mundo.

Ikaw man, Kuya Ramon, ay tulay din ng pagkakaibigan ng China at Pilipinas. Samantalang nakikinig sa iyo ang iyong audience, pinakikinggan mo rin naman ito.

Salamat nga pala sa China sa pagtulong nito sa Pilipinas noong panahon ng kasagsagan ng bagyo at gayundin sa assistance nito sa North Railway project at sa pakikisangkot nito sa usaping pansaka ng Pilipinas.

Sana tumanggap kayo ng maraming biyaya sa Panginoon.

God Bless...

Malou Poquis
Riyadh, Saudi Arabia

Maraming-maraming salamat sa iyo, Malou. Alam mo, hanga ako sa laki ng iyong pananampalataya. Dagdagan mo pa ang iyong panalangin para sa ating bansa. Alam mo naman, kabi-kabila ang sigalot dito. Thank you uli at God Love You.

May ilang SMS pa rito.

Mula sa 0041 787 882 084: "Ramon, I am praying for you sa buong Holy Week. Hindi kita makakalimutan sa panahong ito kasi ikaw ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin para makabangon sa krisis sa buhay. May God Bless You."

Thank you at God Bless You rin.

Mula naman sa 0049 242 188 210: "Kuya Ramon, sana maging blessed ang iyong mga araw sa Holy Week at after the Holy Week at sana maging maliwanag ang iyong Easter. Let's find the Easter egg."

Salamat and God Love You.

At hanggang diyan na lang ang pagtatanghal natin sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapa-alalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.