Mga sangkap
500 gramo ng karne sa hita ng tupa na inalisan ng buto 10 gramo ng toyo 10 gramo ng hiniwa-hiwang scallions 10 gramo ng hiniwa-hiwang luya 10 gramo ng shaoxing wine
Paraan ng pagluluto
Hugasan ang karne ng tupa at pakuluin sa palayok. Pagkaraang kumulo ang tubig, hanguin ang karne at hugasan muli. Alisan ng bula ang likido sa palayok at lagyan ng karne. Lagyan ng scallions at luya at buhusan ng shaoxing wine. Takpan ang palayok at pakuluan. Pagkaraang kumulo muli, bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 2 oras.
Hanguin ang karne at alisan ng scallions at luya. Pagkaraang lumamig ang karne, hiwa-hiwain at wisikan ng toyo. Isilbi.
Katangian: kaakit-akit ang putahe na may buti ng karne at kayumanggi ng toyo.
Lasa: maalat at masarap.
|