• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-12 20:23:29    
Malou Poquis: CRI ay instrumento ng kapayapaan

CRI
Dear Kuya Ramon,

Medyo nakakalungkot dahil nawawala na ang traditional way ng pagse-celebrate ng Mahal na Araw at parang hindi Holy Days ang turing ng iba rito. Ano ba naman sila? Minsan lang ito sa isang taon. Once a year lang sila magpepenitensiya hindi pa nila magawa. Iba na talaga ang ikot ng mundo.

Pero naniniwala ako-- at ito ay 100% -- sa power and effectivity ng Prayer. Kaya kasabay ng pag-aayuno at abstentions at sacrifices, ipinagdarasal ko ang pagtungo ng mundo sa katahimikan. Sari-saring kaguluhan ang nagaganap sa iba't ibang lugar ng mundo. Madi-discourage ka kapag nakarinig ka ng ganitong mga balita. Dagdagan na lang natin ang ating dasal.

Ang inyong istasyon ay instrumento ng kapayapaan. Objective ang inyong mga balita. Hindi kayo mapanira na tulad ng ibang media organization. Sana isulong pa ninyo ang usapin ng pagkakaibigan ng mga bansa at usapin ng kapayapaan sa mundo.

Ikaw man, Kuya Ramon, ay tulay din ng pagkakaibigan ng China at Pilipinas. Samantalang nakikinig sa iyo ang iyong audience, pinakikinggan mo rin naman ito.

Salamat nga pala sa China sa pagtulong nito sa Pilipinas noong panahon ng kasagsagan ng bagyo at gayundin sa assistance nito sa North Railway project at sa pakikisangkot nito sa usaping pansaka ng Pilipinas.

Sana tumanggap kayo ng maraming biyaya sa Panginoon.

God Bless...

Malou Poquis
Riyadh, Saudi Arabia