• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-13 20:17:35    
Pagtatatag ng Beibu Gulf Economic Zone, nagpapalalim ng pagtutulungang Sino-Asean

CRI

Mula sa ika-6 ng Abril

Ang Chongzuo ay isa pa ring bagong-silang na lunsod ng Guangxi at siya ring pinakamalaking base ng Tsina ng pagtatanim ng tubo at repinarya ng cane suger. Nitong ilang taong nakalipas, marami nang naisagawang proyekto ng pagtutulungan sa pagitan ng Chongzuo at mga bansang Asean na tulad ng magkasamang paggagalugad nila ng Biyetnam ng yamang-karbon sa Biyetnam, pagtatatag ng parkeng industriyal ng Thailand sa Chongzuo. Kabilang dito, ang Mitipol Groups ng Thailand ay nakikipagtulungan sa Chongzuo para maitayo sa lunsod na ito ang isang pabrika ng paggawa ng paper products sa pamamagitan ng bagasse.

Kaugnay ng ibinibigay na tulong ng pamahalaang lokal, sinabi ni Suwat Kamolpanus, isang namamahalang tauhan mula sa panig Thai, na:

"Nabawasan nang malaki ang halaga ng aming pamumuhunan dahil binibigyan kami ng mga preperensyal na patakaran ng pamahalaan ng Chongzuo sa aspekto ng upa at buwis."

Sinabi pa niya na inaasahang maisasaoperasyon ang pabrika sa kasalukuyang taon na may taunang produksyon ng papel na mahigit 90 libong tonelada.

Sinimulang itatag ng Guangxi ang Beibu Gulf Economic Zone noong taong 2006 at saklaw ng sonang ito ang naturang tatlong lunsod at gayundin ng Nanning, punong lunsod ng Guangxi at Beihai at Yvlin. Ang pagtatatag ng sonang ito ay mahalagang bahagi ng pagtutulungang pangkabuhayan ng Pan Beibu Gulf, isang konsepto na iniharap din noong taong 2006 ng Guangxi at batay rito, napapasailalim sa pagtutulungan ang Guangxi at mga bansang Asean na kinabibilangan ng Biyetnam, Thailand, Malaysiya, Singapore, Indonesiya, Pilipinas at Brunei. Kaugnay nito, sinabi ni Chen Wu, Pangalawang Puno ng Guangxi, na:

"Nakakatulong ito sa pagpapalalim ng pagtutulungan ng Tsina at mga bansang Asean at nakakatulong din ito sa pagpapabilis ng pagtatatag ng CAFTA at sa bandang huli, kapuwa makikinabang dito ang Tsina at Asean."