• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-13 20:22:03    
Ghaffar Pourazar at kanyang kuwento hinggil sa Peking Opera

CRI

Mula sa ika-6 ng Abril

Pagkaraang makapanood ng ilang pagtatanghal, hinanap ni Ghaffar ang puno ng tropa upang ipaalam sa kaniya kung gaano niya nagustuhan ang Peking Opera at naisniyang matuto nito. Naangtig ang maestro sa kaniyang katapatan at nang lumaon ay nakatanggap si Ghaffar ng isang imbistasyon mula sa Peking Opera Theatre ng Beijing upang mag-aral sa Bijing Peking Opera School.

Mula sa punto ng pananaw Tsino, ang trentay dos abyos ay masyado nang matanda para matuto ng Peking Opera. "Laging nananakit ang aking mga binti, at madalas ang punta ko sa ospital", ganito ang paggunita ni Charffar sa kaniyang mga unang-araw ng pagtuto ng opera, "at lagi pa akong sinisipon."

Kapag talagang hindi na siya makatagal, nagpupunta si Ghaffar sa isang Taoistang Templo at tinangka niyang mabisan ang kaniyang pananakit sa pamamagitan ng pagmumuni-muni. Sa panahaon ng kanyang pag-aaral ng Peking Opera, may nakatagpo siyang isang dalagang Hapones na mabighani din ng Peking Opera at nagging magkapareha sila sa entablado.

Pagkaraan ng mahigit sampung taong puspusang pag-aaral, ang pagtatanghal ni Ghaffar ay lubos na pinuri dahil sa kanyang paggitaw sa sirkulo ng Peking Opera. Karaniwang gumaganap ng papel ng sheng martial, nagging bihasa si Ghaffar sa tradisyonal na Peking Opera, na humantong sa pagkakamit niya ng maraming award sa kanyang mga pagtatanghal.

Dahil sa hugis ng kanyang mukha, bagay na bagay sa kanya ang papel ni Sun Wukong sa edesiyon sa Ingles ng "Monkey king Causes Havoc in Heaven, at ang kanyang pagkanta ng Peking Opera ay siyang pinakamahusay kaysa ibang dayuhan sa larangang ito", ang wika ni Zhao Minjin, na isang Peking percussionist. Samantala, si Alice, isang Amerikanang kaklase ni Ghaffar ay nagsabi sa kanya ng ganito, "sa katunayan, ikaw ang hari ng mga unggoy".