Sa kanyang pakikipagtagpo kay tagapangulo Nguyen Phu Trong ng pambansang asembleya ng Biyetnam, ipinahayag noong Martes sa Beijing ni pangulong Hu Jintao ng Tsina na nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng Biyetnam, para patuloy na pahigpitin ang pagkakaunawaan at pagtitiwalaan at komprehensibong pasulungin ang pragmatikong kooperasyon sa iba't ibang larangan. Sinabi ni Hu Jintao na nakahanda ang Tsina, kasama ng Biyetnam, isakatuparan ang iba't ibang dokumentong pangkooperasyong nilagdaan ng dalawang panig, angkop na lutasin ang isyu ng hanggahang panlupa at pandagat at patuloy na palakasin ang multilateral na kooperasyon sa iba't ibang larangan. Sinabi ni Nguyen Phu Trong na nakahanda ang Biyetnam, kasama ng Tsina, para pasulungin ang kanilang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa bagong lebel. Magkahiwalay na nakipag-usap naman noong Lunes kay Nguyen sina tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at tagapangulo Jia Qinglin ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino. Sa kanilang pag-usap, ipinahayag ni Wu na dapat pahigpitin ng Tsina at Biyetnam ang pagtitiwalaang pulitikal, angkop na lutasin ang isyu ng hanggahan, isakatuparan ang may kinalamang kasunduan at pangalagaan ang katatagan ng South China Sea. Sinabi ni Jia Qinglin na umaasang pahigpitin ng dalawang panig ang kooperasyon para patuloy na pasulungin ang kanilang pagkakaibigang pangkapitbansa at komprehensibong pagtutulungan sa bagong mas mataas na lebel. Ipinahayag naman ni Nguyen Phu Trong na patuloy na pasusulungin ng Biyetnam ang komprehensibong pag-unlad ng relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa. Inulit niya na buong tatag na mananangan ang Biyetnam ng patakarang isang Tsina at tututulan ang anumang separatibong aktibidad ng mga puwersang naninindigan ng pagsasarili ng Taiwan.
Kaugnay ng ulat na nagsasabing itinakda ng pamahalaang Biyetnames ang ilang lugar ng Nansha para sa pagbibiding sa paggagalugad ng langis at natural gas, idaraos ang umano'y halalan ng mga kintawan ng pambansang asembleya roon at makikipagkooperasyon ang bahay-kalakal na Biyetnames sa mga bahay-kalakal na dayuhan para itatag ang pineline ng natural gas sa Nansha, ipinahayag noong Martes dito sa Beijing ni tagapagsalita Qin Gang ng ministring panlabas ng Tsina na ang isang serye ng bagong aktibidad na isinagawa ng Biyetnam ay lumabag sa pangunahing komong palagay na narating ng mga lider ng Tsina at Biyetnam hinggil sa isyung pandagat at deklarasyon ng aksyon ng iba't ibang panig ng South China Sea. Hindi makakabuti ito sa katatagan ng South China Sea. lubhang pinag-uukulan ito ng pansin ng Tsina at nagharap na ng solemnang representasyon sa panig Biyetnames.
Nailigtas kahapon10 ng hapon ng kawanihang pandagat ng Qindao, Tsina ang isang mandaragat na Filipino nasa mapanganib na kondisyon. Isinugod na sa ospital ang nasabing nasugatang mandaragat para sa panggagamot.
Sa kanyang pakikipagtapo kay pangalawang tagapangulo Wu Yingjie ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet, ipinahayag noong Lunes sa Lhasa ni prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand na nag-iwan ang mabilis na pag-unlad ng Tibet sa kanya ng malalim na impresyon. Dumating kamakalawa ng gabi sa Lhasa si Sirindhorn at nagsimula ang kanyang pagdalaw sa Tibet. Sa kanilang pagtatagpo, sinabi ni Wu Yingjie na nagbigay si Sirindhorn ng aktibong ambag sa pagpapasulong ng pagkaunawa ng mga mamamayan ng Thiland sa Tibet at umaasang ipapakilala ni Sirindhorn ang kanyang karanasan sa Qinghai-Tibet Railway sa mga mamamayan ng Thailand. Noong Martes, dumating si Sirindhorn ng sa Unibersidad ng Wuhan--isang kilalang unibersidad sa lunsod Wuhan ng gitnang lalawigan Hubei ng Tsina at lumagda sa unibersidad na ito ng memorandum of understanding hinggil sa kooperasyon at pagkatapos, siya mismo ang nag-alis ng tabing ng "Sirindhorn International Center for Geo-information". Natapos noong Biyernes ni Sirindhorn ang kanyang 12 araw na pagdalaw sa Tsina at lumisan ng Shanghai pauwi.
Sa pulong ng mga ministrong agrikultural ng mga bansa ng Great Mekong Subregion na idinaos noong Martes dito sa Beijing, itinakda ng mga ministrong agrikultural mula sa Tsina, Kambodia, Laos, Myanmar at iba pang bansa ang mga target ng kooperasyong agrikultural bago ang taong 2010. Ang nasabing target ay kinabibilangan ng magkakasamang pagsusuberbisa sa transnasyonal na kalagayang epidemiko ng hayop, paggagalugad ng enerhiyang ekolohikal at iba pa. Para matupad ang naturang target, palalakasin ng mga bansa sa Great Mekong Subrehiyon ang kooperasyon sa pagitan ng mga departamentong agrikultural, pasusulungin ang pagbabahagi ng impormasyong agrikultural, at iatatatag ang mekanismo ng paghaharap sa mga likas na kapahamakan. Ayon sa "magkasanib na pahayag ng mga ministro" na ipinalabas sa nasabing pulong, ang agrikultura ay isa sa mga pangunahing larangan sa ilalim ng plano ng kooperasyong pangkabuhayan ng Great Mekong Subregion, at ito ay may mahalagang papel sa paglutas sa kahirapan ng kanayunan ng mga bansa ng subrehiyon.
Binuksan noong Miyerkules sa Macau ang ika-4 na pulong ng mga punong prokurador ng Tsina at ASEAN. Lumahok sa pulong na ito ang mga punong prokurador mula sa iba't ibang bansang ASEAN, Tsina, Hong Kong SAR at Macao SAR. Tatalakayin nila sa dalawang araw na pulong ang hinggil sa direktang pagtutulungan para sa pagbibigay-dagok sa transnasyonal at transrehiyonal na krimen.
|