Sa Hunyuan County ng Lunsod Datong ng Lalawigang Shanxi sa dakong kanluran ng Tsina, may isang templong naitayo sa napakatarik at malalim na bangin na tinatawag na Templong Xuankong o Inakabiting Templo.
Itinayo ang naturang templo noong taong 491 AD na may mahigit 1500 taon na ngayon. Kung tingnan sa malayo, wari baga'y nakadikit sa bangin ang buong templo. Talagang hanga-hanga ang mga turistang Tsino't dayuhan sa pagkakatayo ng naturang templo. Magkarugtong ang mga maliliit na tablang daan sa pagitan ng mga pabilyon ng templo. Makikitid ang mga daang itong nakalatag sa bangin na kasya lamang sa pagdaan ng isa katao. Sa pagtahak sa daang iyon, halos patiyad at pigil hininga ang mga turista at buong ingat na na tumapak sa ibabaw ng tablang daan sa takot na baka sa isang malakas na tapak ay matutumba na ang buong templo. Kadadaan pa lamang sa daang iyon si Miss Lin Yu. Nininirbyus pa siya,
"Masyadong mataas. Ang pakiramdam ko'y tila nakabiting sa himpapapwid ang tao."
Nagpasalin-salin sa labi ng mga tao sa Hunyuan County ang isang kasabihang "Ang templong Xuankong, kasingtaas ng kalahating langit, tatlong buntot ng kabayo ang nakabiting sa himpapapawid." Ang mga buntot ng kabayo'y tumutukoy dito sa mga kahoy na haliging sumusuhay sa templo. May gayong haligi sa buong tamplo. Anong papel ang mga haliging iyon? Ipinaliwanag ni Mr Sun Yi, researcher na nagtatrabaho sa templo Ipinaliwanag niya:
"Sa katunayan, hindi nakadagan sa lahat ng haligi ang bigat ng templo. Ang buong bigat ng mga pabilyon ng templong Xuankong ay nakapataw sa mga barakilang nakatusok sa malalaking bato na siya ring pinakamalaking katangian ng naturang templo."
Yayamang ang mga kahoy na barakilan ang talagang sumusuhay sa bigat ng templo, bakit naman nakatirik pa doon ang mga haliging iyon? May isang kuwentong nagsasaad na nang katatatag pa lamang ng templong Xuankong, may ilang malaking haligi ang nakatirik sa bandang ibaba ng templo, pero dahil sa mga malalaking haliging iyon, ang itsura ng templo ay hindi na parang nakabiting sa himpapawid. Kaya tinanggal ng mga matatandang monghe sa templo ang mga malalaking haligi. Pero hindi akalaing pagkatapos maalis ang mga haligi, natatakot nang pumanhik sa templo ang mga turista. Sa gayo'y nagtirik na naman ang mga monghe ng mga maliliit na haligi sa ilalim ng templo bilang panggayak lamang.
Hanggang sa ika-23 ng Abril
|