Sapul ng pagpasok ng kasalukuyang taon, nananatiling malakas ang tunguhin ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan ng Tsina. Pero, meron pa ring mga problemang dapat lutasin. Kaya, ipinasiya ng Pamahalaang Tsino na sa taon ding ito, patuloy na pag-ibayuhin at pabutihin ang makro-kontrol.
Nitong nagdaang Marso, muling itinaas ng Bangko Sentral ng Tsina ang interes sa deposito at pautang. Kaugnay ng intensyon dito ng nasabing bangko, inanalisa ni Chen Yvlu, dalubhasa sa pinansya ng Renmin University of China, na:
"Ipinakita nitong layon ng Bangko Sentral na bawasan ang palaki nang palaking pagpapautang ng mga bangkong komersyal. Kung hindi pa rin ito makokontrol, may posilibidad na itaas pa ang interes."
Kasabay nito, titingkad pa ang papel ng pamilihan sa pagsasaayos sa pamumuhunan sa mga di-natitinag na ari-arian at nang sa gayon, mapababa ang bahagdan ng paglaki ng pamumuhunan doon sa mga industriya na labis na ang produksyon.
Kumpara sa sobrang pamumuhunan, nananatiling matumal ang konsumo ng Tsina. Ipinasiya ng Pamahalaang Tsino na sa taong ito, buong-sikap na palakihin pa ang kita ng sambayanang Tsino, lalo na ng mga mamamayan na maliit o katamtaman lamang ang kita, at kasabay nito, pabilisin at pahusayin ang paghahatid sa kanayunan ng mga paninda at nang sa gayon, makalikha ng kondisyon para sa pagpapalaki pa ng pangangailangang panloob.
Napag-alamang sa ilalim ng isang pambansang programa na itinaguyod ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, may pag-asang makapagbukas ng halos 250 libong tindahan sa kanayunan bago magtapos ang kasalukuyang taon at salamat dito, magiging kombinyente para sa mga magsasakang Tsino ang pamimili ng mga kinakailangang paninda.
SUNDAN sa ika-23 ng Abril
|