Dear Kuya Ramon,
Kumusta ka na?
Noong Holy Week hindi ako nakapakinig kasi naging busy ako sa aming parokya. Sana nagkaroon ka ng bakasyon noong Holy Week at nakapag-ukol ng maraming oras para sa spiritual retreat at reflection.
Enjoy ako ngayon sa pakikinig sa inyong mga programa kasi mas clear ang signal at mas powerful over interfering stations. Hindi rin masyadong nagwo-wobble ang sound.
Nakakatuwang malaman na maraming naka-schedule na proyekto ang China sa Pilipinas at ang mga proyektong ito ay makakapagbigay ng trabaho sa maraming Pilipino.
Nakikipagtulungan din ang sport sector ng China sa mga organisasyong pang-isports ng Pilipinas para makapagkaloob ng kinakailangang training sa mga Pinoy athletes natin bilang paghahanda sa Beijing Olympics. Umasa tayo ng mga ginto sa ilang events. Siguro makakuha lang tayo ng limang ginto pista na ang buong bayang Pilipino.
Maraming enthusiastic sa Beijing Olympics kasi idaraos ito sa China at ang China ay malakas na malakas ang dating sa international community.
Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin pero hindi maitatago ang katotohanan na ang China ay successful hindi lamang sa economy kundi pati sa iba ring areas.
Madali palang makuha ang inyong programa pag nag-log-in sa internet explorer.
Thank you, kuya, at hanggang dito na lang ang sulat na ito.
Irma Smith Bajac-Bajac, Olongapo City Philippines
|