May maraming pulo sa Tsina at ilang bansa sa timog silangang Asya. Di kakaunti sa mga ito ang nag-angkin ng magandang kapaligiran at kabigha-bighaning tanawing natural. Kasunod ng pagkatuklas at pagdating ng mga mamamayan ng mga ito, nasisira nang takdang tegri ang anyong natural ng mga ito. Papaanong pananatilihin ang natural na kapaligiran sa mga isla sa proseso ng pagdedebelop nito para makapag-enjoy ang mas maraming mamamayan ng kariktan nito ay naging isyung dapat lutasin ng mga magdedebelop at nangangasiwa sa islang ito. Islang Wuzhizhou sa lunsod ng Sanya ng lalawigang Hainan sa Timog Tsina ay nagsisilbing isang magandang huwaran para rito.
Ang Islang Wuzhizhou ay may magandang tabing-dagat at masaganang pambihirang halaman, Tinagurian kamakailan itong isa sa mga pinakakarapat-dapat na lugar na mapuntahan ng mga turistang dayuhan.
"kay dami ng iba't ibang pambihirang halaman sa isla. Ang 'Dragon Blood Tree' ay isa sa mga ito. Tinawag itong 'panda sa mga halaman'.…… at dito sa ilalim ng dagat ay matatagpuan ang pinakamabuting reserbang koral. "
Isinalaysay sa mga manlalakbay ni Miss Zhang, isang turist guide sa Islang Wuzhizhou ang hinggil sa iba't ibang marikit na tanawin doon. Ang islang ito ay isa sa mga lugar kung saan ang natural na yaman ay sumasailalim sa pinakaperpektong pangangalaga. Mangyari pa, ito ay isang ideyang lugar para sa pagpapasaya sa dagat at sisid, nguni't, upang mapababa ang gambala sa nature, ang gayong aktibidad ay pinahihintulutan lamang sa ilang espesiyal na area. Bukod dito, makaranas ang bawat maninisid sa may kaugnayang pagsasanay bago manisid. Maliban sa pag-aaral ng kinakailangang kaalamang pangkaligtasan, ang pinakamahalaga ay dapat ipaalam sa kanila na hindi isang maninisid lamang sila, kund isang mangangalaga sa dagat."
Hindi lamang ang mga maninisid ay inieduka para sa pangangalaga ng kapasigiran, kundi gayon din ang bawat turista papuntang sa Islang Wuzhizhou. Isinalaysay ni Lin Wenfeng, katulong ng manedyer ng sentro-pahingahan na may 3 tungkulin ang bawat staff ng kaniyang sentro. Alalaong baga'y, naglilingkod sila sa lahat ng sandali, bilang tagalinis, tagapaglingkod at propagandista. Nagpapalaganap sila saan man naroroon at sa anumang sandali ng kaalaman hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran sa mga turista.
Mangyari pa, hindi sapat ang propaganda. Ang mahalaga ay pagpapanatili ng kalinisan sa lahat ng sandali sa isla, dahil kung saan ay may tao, may basura doon. Hinggil dito, sinabi ni Lin na:
"Nakilala na ninyo kanina ang aming giya, maliban sa pagiging giya, naglilingkod pa siya bilang tagalinis at tsuper. Kung makikita ang basura, maglilinis nito sila may espesiyal na kagamitan sa kaniyang sasakyan. Siyampre, hindi sapat ito. Mas marami ang turista, mas marami ang basura. Upang maglinis ng basurang dulot ng mga turista, itinatag namin ang mabisnag instalasyon para hawakan ang basura. Bawat araw, may espesiyal na tauhan ang nag-uuri-uri sa iba't ibang basura."
sa kasalukuyan, iba't ibang pang-aliwang pasilidad ang natayo sa 30% saklaw ng Islang Wuzhizhou. May ilang bilya ang itinayo sa loob ng kakahuyan at ang mga guste roomnito ay umabot sa istandard ng 5 star. Ngunit, mangangailangan ng precontract. Dahil mahigpit na kinokontrol ang bilang ng mga turista sa isla bawat araw. Hinggil dito, sinabi ni Sun Lin, pangalawang manedyer ng naturang sentro na:
"Mahigpit na kinokontrol ang bilang ng mga turistng pumapasok sa isla. Ang layuning ito ay para igarantiya ang kalidad ng paglalakbay ng mga turista sa isla. Mangyari pa, ang pinakamahalagang dahilan ay para sa pagbabawas ng pag-ubos ng yamang natural. Umaasa kaming kung muling pupunta kayo dito pagkaraan ng ilang panahon, mananatili pa ring malinis at maganda ang marikit na kapaligiran."
Ang sinabi ni Sun ay ideya ng sustenableng pag-unlad. Ang pagtahak sa landas ng sustenableng pag-unlad at pagtatatag ng Islang Wuzhizhou bilang isang islang pinagsama-sama ang harmoniya ng kalikasan at sangkatauhan ay isang di-magbabagong ideya ng mga tagapamamahala ng Islang Wuzhizhou. Ang target nila ay itatatag ang isla bilang isang numero unong lugar-pahingahang panturita sa Asya at kilala sa buong daigdig.
|