• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-20 16:16:09    
Northrail Project, kapaki-pakinabang sa mga mamamayang Pilipino

CRI
Naanyayahan sa aming palatuntunan si Ruben S. Reinoso, Jr., Pangalawang Pangkalahatang-Direktor ng NEDA, National Economic and Development Authority at isasalaysay niya ang hinggil sa NorthRail Project.

Unang-una na, sasabihin sa atin ni Mr. Reinoso ang layunin ng pagsasagawa ng Pamahalaang Pilipino ng proyektong ito.

Ang NorthRail Project ay isang proyekto na pinatatakbo ayon sa isang kasunduan sa pagitan ng mga Pamahalaang Pilipino at Tsino. Sa ngalan ng kani-kanilang pamahalaan, direktang pinamamahalaan ng North Luzon Railways Corporation o NorthRail, isang subsidiary ng BCDA, Bases Conversion Development Authority, at ng China National Machinery and Equipment Group o CNMEG ang proyektong ito.

Pagdating sa partner na dayuhan sa proyektong ito, maraming pagpili ang Pilipinas na tulad ng Pamahalaang Hapones at Pamahalaang Espanyol, bakit ba ang Tsina ang napili? Tingnan natin ang paliwanag ni Reinoso.

Ang Pamahalaang Tsino ang nagkakaloob ng pautang sa Pilipinas na may pinakamagaang term--iyon ang dahilan na napili ang Tsina bilang partner. Bukod dito, meron din iba pang ibinibigay na tulong ang Pamahalaang Tsino. Tingnan natin.

Magkaiba ang papel ng dalawang pamahalaan sa pagsasagawa ng proyektong ito. Sa katotohanan, nahirapan ang Pamahalaang Pilipino sa relokasyon ng mga residenteng lokal sa proseso ng pagsasagawa ng NorthRail Project. Pero, sa kabila ng pagkaka-antala, maayos na isinasagawa ngayon ang proyekto. May dalawang yugto ang proyekto at ang una ay mula sa Metro Manila hanggang sa Malolos at ang ikalawa, mula Malolos hanggang sa Clark. Nang tanungin si G. Reinoso kung paanong masasabing kapaki-pakinabang ang proyekto para sa mga mamamayang Pilipino, nakangiting sinabi niya na:

Ang NorthRail Project ay isa lamang sa mga proyekto ng Pilipinas na nasa pagtataguyod ng Pamahalaang Tsino. Kaugnay ng mga katulad na proyekto, sinabi ni Reinoso na: