• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-04-23 19:16:32    
Kababalaghang sining ng konstruksyon ng Templong Xuankong

CRI

Mula sa ika-16 ng Abril

May raming rebulto ang nakadisplay sa loob ng templo na yari sa tanso, bakal, luwad at bato. Maliit ang mga rebultong ito. Ngunit tamang-tama ang sukat nito sa saklaw ng templo. Mataas ang kahalagahang pansining ng mga ito.

Liban sa mga katangi-tanging estruktura at desenyo ng templo, ang Templong Xuankong ang siyang kaisa-isang templong napagsama-sama sa isang kabuuan ang Budismo, Taoismo at Konpusyanismo. Ang mga rebulto nina Sakyamuni, Laozi at Confucius ay magkasamang nakadisplay sa isang silid sa pinakamataas na palapag ng templo. Sinabi ni Mr. Zhang Jianyang, kauna-unahang direktor ng Administrative office ng Templong Xuankong:

"Sa pagparito sa templong ito, pumapanhik sa templo ang mga turistang galing sa loob at labas ng bansa upang pagmasdan ang 3 lider ng 3 magkaibang relihiyon na magkasamang nakaupo sa isang silid. Sa Tsina lamang napapayagang magkasamang umupo ang 3 lider ng magkaibang relihiyon. Kahanga-hanga ang kaisipang ito."

Lubos na pinagsama-sama sa isang kabuuan sa matandang Templong Xuankong ang kaalaman tungkol sa mechanics, aesthetics at relihiyon. Sa kasalukuyan, Halos umaabot sa 10 libong turista ang natatanggap ng templo bawat araw.

Gumimbal sa mga turistang Tsino't dayuhan ang katangi-tanging tanawin at kababalaghang sining ng konstruksyon ng templo. Kung talagang interesado kayo sa Templong Xuankong, mangyari pa'y pumarito ka sa Datong, Shanxi upang maranasan ninyo mismo ang kababalaghan dito.