Nagtagpo noong Sabado sa Boao, lunsod sa dakong timog ng Tsina, sina tagapangulo Wu Bangguo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at dumalaw na pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas. Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Wu na nakahanda ang panig Tsino na magsikap, kasama ng panig Pilipino, para patuloy na mapasulong ang relasyon ng 2 panig batay sa pagkakapantay-pantay, pagtitiwalaan, kooperasyon at win-win situation. Sinabi ni Wu na pinasasalamatan ng panig Tsino ang pagkaunawa at pagkatig ng Pilipinas sa isyu ng Taiwan. Ipinahayag pa niyang nakahanda ang panig Tsino, kasama ng Pilipinas at Biyetnam, na pasulungin ang pagtatamo sa lalong madaling panahon ng substensyal na bunga ng makakasamang paggagalugad ng 3 panig sa South China Sea. Sinabi naman ni Arroyo na walang humpay na lumalakas ang pagtitiwalaang pulitikal ng Tsina at Pilipinas, lumalawak nang lumalawak ang kanilang komprehensibo at pragmatikong kooperasyon at maalwang isinasagawa ang mga kasunduan ng bilateral na kooperasyon na nilagdaan ng mga lider ng 2 bansa. Ipinahayag din niyang nakahanda ang panig Pilipino na ibayo pang palakasin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan nila ng Tsina sa iba't ibang larangang gaya ng pulitika, katiwasayan, kabuhayan at kalakalan, at pasulungin ang komprehensibo at malalim na pag-unlad ng relasyon ng 2 bansa.
Ipinatalastas sa Beijing noong Miyerkules ng pasimuno ng China-Asean Cooperation Tour, malaking magkasanib na pagkapanayam ng radyo at TV station, na malapit nang sisimulan ang naturang aktibidad. Sa press conference nang araw ring iyon, ipinahayag ni Wang Gengnian, puno ng Radyong Internasyonal ng Tsina, na ang layunin ng naturang aktibidad ay pagpapasulong ng malalim na pag-unlad ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Asean at paglilikha ng mainam na pandaigdig na kalagayan ng opinyong publiko at pagpapasulong ng konstruksyon ng may harmoniyang daigdig.
Sa regular na preskon noong Martes, ipinatalastas ni Liu Jianchao, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina, na idaraos sa Lalawigang Anhui ng Tsina mula ngayong araw hanggang ika-25 ng buwang ito ang ika-13 pagsasanggunian ng mga mataas na opisyal ng Tsina at Asean at ang ikalawang pagsasakatuparan ng mga mataas na opiyal ng espesyal na pulong ng continuing action ng Deklarasyon ng aksyon ng iba't ibang panig ng South Sea. Sinabi ni Liu na lalahok sa naturang pulong sina Cui Tiankai, asistendeng ministrong panlabas ng Tsina, at ang mga pangalawang ministrong panpalabas ng 10 bansa ng Asean at pangkalahatang kalihim ng Asean.
Idinaos noong Miyerkules sa Nanning ang porum hinggil sa pamumuhunan at kaunlaran ng mga maliliit at katam-tamang bahay-kalakal o SME ng Tsina at ASEAN. Sa porum na ito, inilahad ang mga pagkakataon na dulot ng pagpapaunlad ng sona ng kooperasyong pangkabuhayan ng Beibu Bay, subrehiyon ng Great Mekong River at Nanning-Singapore economic corridor para mapasulong ang kooperasyon at pamumuhunan ng mga SMEs ng Tsina at ASEAN.
Ipinahayag noong Martes sa Beijing ni He Yong, kalihim ng sekretaryat at pangalawang kalihim ng Central Commission for Discipline Inspection ng komite sentral ng partido komunista ng Tsina, na nakahanda ang kaniyang bansa na pahigpitin at palalimin, kasama ng Biyetnam, ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangang kinabibilangan ng laban sa korupsyon at discipline inspection. Sa kaniyang pakikipagtagpo sa observer group ng mga opisyal na namamahala sa discipline inspection na pinamumunuan ni Nguyen Minh Quang, pangalawang direktor ng Lupon ng Inspeksyon ng komite sentral ng partido komunista ng Biyetnam, sinabi ni He na ang relasyon ng dalawang bansa ay pumasok sa bagong panahon ng komprehensibong pag-unlad at madalas ang pagdadalawan sa mataas na antas ng dalawang bansa at kapansin-pansin ang bunga ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at lumalalim nang lumalalim ang pagpapalitan ng karanasan ng pagsasaayos ng partido at bansa at mabunga ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Ipinahayag ni Nguyen na nakahanda ang kaniyang bansa na patuloy na pahigpitin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa paglaban sa korupsyon.
Natapos noong isang linggo ang kauna-unahang transnasyonal na navigation chart ng upper Mekong River. Ayons sa kasunduang nilagdaan ng mga departamento ng komunikasyon ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand, sa pag-oorganisa ng Navigation Administration Bureau ng lalawigang Yun'nan ng Tsina at pagkokoordina ng nabanggit na 3 bansang dayuhan, nilikha ng mga may kinalamang inhenyero ang nasabing chart sa loob ng 2 taon.
|