Nitong ilang taong nakalipas, kasunod ng walang humpay na pagtaas ng lebel ng pagbubukas sa labas ng Tsina, lumalaki din ang pangangailangan ng Tsina sa mga talentong dayuhan. Sa kasalukuyan, mahigit 200 libong dalubhasang dayuhan ang nagtatrabago sa iba't ibang larangan ng Tsina. Nagbibigay sila ng ambag para sa konstruksyon at pag-unlad ng Tsina at sa panig ng Tsina naman, nagkakaloob din sa kanila ng magandang serbisyo at buong sikap na lumilika ng isang kasiya-siyang kapaligirang pampamumuhay at pangkarera.
Si Abbas Jawad Kdaimy ay isang dalubhasa sa wikang Arabe na galing sa Iraq, nagtatrabho siya sa isang media ng Tsina na namamahala sa pagpapatnubay sa pagsaling ng wikang Arabe. Namumuhay siya nang 8 taon sa Tsina, malalim ang kaniyang damdamin sa Beijing. Sinabi niyang:
"Maligaya ang pamumuhay ng aming pamilya sa Beijing, gayun din ang pag-aaral ng aming mga anak sa kanilang paaralang Tsino. Maganda rin ang pakikisalamuha ko sa mga kasama ko sa yunit na aking pinagtatrabahunan. Ginawang ika-2 lupang-tinubuan namin ang Beijng at Tsina."
Sa kasalukuyan, mahigit 200 libong daluhasang tulad ni Abbas ang nagtatrabho sa Tsina sa mga larangan ng agrikultura, industriya, pinansiya, Information Technology, edukasyon, broadcast't telebisyon at iba pa. Kaugany ng isyung bakit sila pumarito sa Tsina, iba't iba ang kanilang sagot. May ilan ang pumarito dahil sa pangangailangan ng karera, may dahil sa interest sa wikang Tsino at may dahil sa pagmamahal sa kulturang Tsino. Ngunit, ang pangunahin dahilan ay: Tsina ay isang lugar na puno ng pagkakataon. Sinabi ni Paul Dixson, isang dalubhasang Britaniko na:
"Lumalaki nang lumalaki ang kahalagahan ng Tsina sa dagdig. Nang nasa Britanya ako, palagian sinabihan kami ng kahalagahan sa pagkaunawa sa Tsina, dahil ang kasalukuyang siglo ay siglo ng Tsina. May maraming pagkakataon sa Tsina. Maraming dayuhan ang pumupunta sa Tsina bawat taon para sa pagnenegosyo, paglalakbay at pag-aaral, lipos ang mga tao ng pensyon sa Tsina."
Nagtatrabaho ngayon si Dixson sa isang kompanya ng relasyong pampubliko. Sinabi niyang para mas mabilis na maging sanay sa pamumuhay at trabaho sa Tsina, agarang pumunta siya sa isang unbersidad para mag-aral ng wikang Tsino nang dumating siya ng Beijing. Ngunit, nagtataka siyang halos bawat tao sa unibersidad ang marunong magsalita ng Engles. Ipinalalgay ni Dixson na kailangan ng bawat tao ang takdang panahon para mag-adapt sa isang di-nakikilalang lugar, ngunit iba sa Tsina, di-natatagalan ay sanay na siya sa kapaligiran sa palibot ng Tsina. Hindi naging hadlang sa Tsina ang wika.
Ang samahan ng pagpapalitan ng pandaigdigang telento sa ilalim ng Kawanihan hinggil sa mga suliranin ng mga Dalubhasang Dayuhan ng Tsina ay isang espesiyal na organong namamahala sa pagpapalitan ng pandaigdigang talento. Sinabi ni Xia Bing, isang opisyal ng samahang ito na gustong magtrabaho sa Tsina ang maraming dalubhasang dayuhan, sinabi nilang sa Tsina, marami ang pagkakataon sa hanap-buhay, maganda ang kapaligirang panlipunan, kompleto ang sistema ng serbisyo at mapagkaibigan ang mga mamamayan. Dahil sa mga ito, gustong gusto nilang magtrabaho sa Tsina. Sinabi ni Xia na:
"Para sa mga dalubahasang dayuhan, kung gusto nilang bumago ng isang kapaligiran ng pamuamuhay, ang Tsina ay isa sa kanilang unang pagbili. Dahil ligtas at tahimik ang lugar na ito at malaki rin ang espasyo sa pag-unlad ng karera dito."
Sa kasalukuyan, patuloy na pinapapabuti ng Tsina ang mga hakbangin sa pag-aangkat ng mga dalubhasang dayuhan at walang humpay na pinatataas ang lebel ng serbisyo sa mga dalubhasang dayuhan para buong sikap na magkaloob ng magandang kapaligirang pampamumuhay at pangkarera sa kanila.
|