Mula sa ika-20 ng Abril
Ang reputasyon ng Wudang Kungfu ay kapantay ng sa Shaolin Kungfu, ang una'y tinatanggap ng lahat na pandepensibo sa katimugan, at ang huli, sa hilaga, na opensibong paaralan ng martial arts. Ang isa sa pinakamalaking ambag ni Zhang Sanfeng sa martial arts ng Tsina ay ang kanyang maliwanag na pahayag na ang ultimong layunin ng pagpapraktis ng Kungfu ay para mapanatiling malusog ang katawan. Ang mga Taosta ay lagging iniuugnay sa gamot ng pagpapahaba ng buhay at sa alchemy, subalit si Zhang Sanfeng ang siyang pinakanamumukod.
Sa isang liham para kay Emperador Zhu Di, sinabi niyang "Higit na mabuti kung hindi maniniwala sa alchemy at alchemist. Ang amplitude ng Dao at ang pagdami ng kabutihan ang siyang pinakamainam na remedyo at ang mahinahong kaisipan at kawalan ng pagnanasa ang siyang nagpapahaba ng buhay". Si Zhang ay lumikha at nagsasanay ng " inner elixir kungfu", na kilala ngayon sa tawag na qigong o respiratory gongfu--isang breathing technique na pinagsasanib ang katawan at lakas.
Ang wudang kungfu ay isa sa maraming Taoistang teoryang nagmula sa Dao De Jing ni Lao Zi. Ang galaw nito ay isinasanib ang martial arts sa konsepto ng esperituwal na self-cultivation, at tumatalima sa circular orbit ng tai chi. Ang martial theories nito, halimbawa, "napananaigan ng di-paggalaw at gumagalaw", "napananaigan ng malambot ang matigas" at "hindi ako gumagalaw habang nakatigil ang aking katunggali" at mabilis ang aking reaksyon kapag nagsimulang lumilos ang aking katunggali na kapareho ng pundamental na turo ni Lao Zi sa Dao De Jing na "Nadadaig ng pinakamalambot ang pinakamatigas sa sanglibutan".
May nagsabi na naoberbahan minsan ni Zhang Sanfeng ang pag-atake ng isang ibon sa isang ahas sa Wudang Mountain at lubhang napasigla ng dependibong taktika ng ahas. Nanatili itong hindi gumagalaw at nakaalerto sa harap ng mabangis na pagdagit ng ibon hanggang sa tukain at kagatin hanggang mamatay ang umatake sa kanya. Ang labanang ito ay nagpasigla sa kanya upang lumikha ng 72-Movement Taichi boxing "set", karamihan sa mga ehersisyo at kilos Wudang ay isinunod sa pangalan ng mga hayop, gaya ng Eagle and Snake Taichi Boxing at ng Wild Horse, Black Tiger, White Monkey at White Snake Movements.
Liban sa kakaibang boxing styles nito, ang Wudang Kongfu ay binubuo ng maraming ehersisyo ng pagmumuni-muni, gaya ng pagpapatalas ng mata, pagpapabilis ng pagdaloy ng dugo, sekretong limang-porma, at Three Heavenly Gates Enlightenment Kungfu. May mga ehersisyo din na gumagamit ng mga sandata na gaya ng Eight Immortals Sword at ang Eight Immoral Cudgel. Ang buntot ng kabayo na madalas na hawak ng mga Taoist monk ay kabilang sa maraming lihim na sandata ng Wudang Kungfu.
|