Pormal na sinimulan noong Martes sa Pingxiang Friendship Pass sa Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina ang China-Asean Cooperation Tour, isang transnasyonal na aktibidad na nasa magkakasamang pagtataguyod ng China Radio International, CRI at iba pang mga panig. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, inaasahang maiuulat sa mga mamamayang Tsino at sa buong daigdig ang hinggil sa kultura, kabuhayan, pamumuhay at iba pang aspekto ng 10 bansang Asean.
Nang kapanayamin noong Miyerkules sa Hanoi ng mga mamamahayag sa "China-ASEAN Cooperation Tour", ipinahayag sa Hanoi ni pangulong Nguyen Minh Triet ng Vietnam na aktibong pasusulungin ng kanyang bansa ang pangkapitbansaang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon nila ng Tsina at patitingkarin ang papel bilang tulay sa proseso ng pagpapaunlad ng relasyong Sino-ASEAN.
Nang araw ring iyon, kinapanayam ng mga mamamahayag sa CACT si Hu Qianwen, embahador ng Tsina sa Biyetnam. Sinabi ni Hu na ang ibayo pang pag-unlad ng kabuhayan ng Biyetnam ay magkakaloob ng mas maraming pagkakataon ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at makakabuti sa pagpapalagayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa. Sinabi niya na nakaraang sumapi ang Biyetnam sa World Trade Organization o WTO, mabilis na umuunlad ang kabuhayan nito at unti-unting lumalaki ang proyekto ng pamumuhunan ng bahay-kalakal ng Tsina doon at mas maraming bahay-kalakal ng Tsina ay may intensyon na palalimin ang pagpapalagayan ng kabuhayan at kalakalan ng dalawang bansa. Inilahad pa niya na bukod ng pagpapalagayan ng kabuhayan at kalakalan, pinahigpit ng dalawang bansa ang pagpapalitang kultural at nagkamit na ng maraming bunga.
Idinaos noong Martes sa lalawigang Anhui ng Tsina ang ika-13 pagsasanggunian ng mataas na opisyal ng Tsina at Asean. Lumahok sa naturang pulong si Cui Tiankai, asistende ng ministrong panlabas ng Tsina, mga mataas na opisyal o kinatawan ng ministring panlabas ng 10 bansang Asean at pangalawang pangkalahatang kalihim ng Asean. Buong pagkakaisang mataas na pinahahalagahan ng kalahok na iba't ibang panig ang relasyon ng Tsina at Asean, pangunahing tinalakay ang ideya at hakbangin ng pagpapalalim ng kooperasyon sa hinaharap, at malalim na nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na pinahahalagahan nila.
Idinaos noong Lunes sa Nanning ang pulong ng mga mataas na opisyal ng ika-4 na China-Asean Expo o CAEXPO. Sa ngalan ng lupong tagapag-organisa ng ekspong ito, sa kauna-unahang pagkakataon, pormal na binigyan ni Chen Wu, Pangalawang Tagapangulo ng nasabing rehiyong autonomo, ng letter of appointment ang mga kinauukulang opisyal mula sa 10 bansang Asean. Nagsisilbi itong bagong hakbang ng mekanismo ng magkakasamang pagtataguyod sa CAEXPO ng Tsina't 10 bansang Asean at ipinakita rin nito ang layunin ng ekspong ito na isakatuparan ang komong pag-unlad sa ilalim ng magkakasamang pagtataguyod. Sa naturan ding pulong, ipinahayag ni Wang Lei, pangalawang pangkalahatang kalihim ng sekretaryat ng China-Asean Expo na mag-aanyaya ang ika-4 na China-Asean Expo ng 500 libong purchasing bahay-kalakal ng buong daigdig, at magsisikap para mag-anyaya ng 10 libong pandaigdig na purchasing bahay-kalakal at 10 libong Tsinong purchasing bahay-kalakal na lumahok sa naturang pulong para palawakin ang pag-aangkat mula sa Asean. At ipinangako niyang ipagkakaloob ng naturang expo ang mas maraming ginhawa sa mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansa ng Asean na kalahok sa expo.
Kinatagpo noong Huwebes sa Zhengzhou ni pangalawang premyer Wu Yi ng Tsina si Senior Minister Goh Chok Tong ng Singapore. Sa kanilang pagtatagpo, lubos na pinapurihan ni Wu Yi ang mabuting relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Singapore. Ipinahayag ni Goh Chok Tong na umaasa ang Singapore na lalahok sa pagtatayo ng lunsod na ekolohikal ng Tsina, at nagharap ng ilang kongkretong mungkahi hinggil sa pamumuhunan sa Tsina ng mga bahay-kalakal ng Singapore. Kinatagpo rin noong Lunes sa Beijing si Goh ni pangalawang tagapangulo Jiang Zhenghua ng Pirmihang Lupong Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina. Sa pagtatagpo, ipinahayag ni Goh na nakahanda ang Singapore na patuloy na pasulungin ang bilateral na pakikipagtulungan sa Tsina lalung-lalo sa larangan ng pamumuhunan, pangangalaga sa kapaligiran, turismo at iba pa. Sinabi ni Jiang Zhenghua na mabilis ang pag-unlad ng bilateral na relasyong pangkaibigan ng Tsina at Singapore, madalas ang pag-uugnayan ng mga lider ng dalawang bansa, patuloy ang paglakas ng pagtitiwalaang pulitikal, malalim ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at nagkakaroon ang mga parliamento ng dalawang panig ng mabisang pagpapalitan at kooperasyon at kapansin-pansin ang bunga ng pragmatikong pagtutulungan sa iba't ibang larangan. Pinapurihan niya ang pananangan ng pamahalaan ng Singapore sa patakarang isang Tsina at pagtutol sa pagsasarili ng Taiwan. Ipinahayag ni Jiang ang pananalig na magkakaroon ang relasyon ng Tsina at Singapore ng mas malaking pag-unlad.
|