• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-07 14:51:09    
Abril ika-30 hanggang Mayo ika-6

CRI

Idinaos noong Sabado sa Kyoto ang ika-10 Pulong ng mga Ministro ng Pananalapi ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea o "10 plus 3". Anang magkasanib na pahayag na ipinalabas sa pulong, nagpahayag ang mga Ministro ng Pananalapi ng 10+3 ng pagtanggap sa pangmatagalan at malakas na paglaki ng kabuhayang panrehiyon at optimistiko sila sa prospek ng paglaki ng kabuhayang panrehiyon sa taong 2007. Ipinahayag din nilang binigyang-pansin nila ang hamon na dulot ng negatibong panganib. Sinabi ng pahayag na buong pagkakaisang ipinahayag ng mga Ministro ng Pananalapi ng 10+3 na kasunod ng paglalim sa paglipas ng mga araw ng pamantayan ng globalisasyong pangkabuhayan, napakahalaga ng pagsasagawa ng mga patakaran at hakbangin para mapataas ang kakayahan ng kabuhayang panrehiyon, at ipinangako nilang pabilisin at palalimin ang reporma ng estruktura at isagawa ang angkop na macro-control economy policy para mapasulong ang pangmatagalang paglaki ng kabuhayang panrehiyon. Sinabi naman sa pulong ni Jin Renqing, Ministro ng Pananalapi ng Tsina na umaasa siyang mapapabilis ng iba't ibang panig ang pagpapasulong ng proseso ng multilateralismo ng "Mungkahi ng Chiangmai". Sinabi ni Jin na nitong 10 taong nakalipas sapul nang itatag ang mekanismong pangkooperasyon ng "10+3", ito ay nagsisilbing isa sa mga pinakamasiglang rehiyon sa buong daigdig, at ang pinakapositibong bunga ng naturang pulong ay pagkakaroon ng iba't ibang panig ng komong palagay hinggil sa pagpapasulong ng "Mungkahi ng Chiangmai".

       

Matagumpay na natapos noong Huwebes ang mga aktibidad sa Biyetnam ng "China-ASEAN Cooperation Tour". Sa isang preskon na idinaos nang araw ring iyon, sinabi ni Nguyen Phuong Lan, opisyal ng Ministring Panlabas ng Biyetnam na sa loob ng sampung araw, nag-iwan ang mahigit 40 mamamahayag na Tsino ng malalim na impresyon sa kanya. Anya, ibayo pang mapapasulong ng biyaheng ito ang pagkakaibigan ng mga mamamayang Biyetnames at Tsino at umaasa rin siya na sa pamamagitan ng aktibidad na ito, magkakaroon ang mga media ng dalawang bansa ng mas maraming pagtutulungan at pagpapalitan sa hinaharap. Sinabi rin ni Su Xinsheng, puno ng grupo at pangalawang puno ng Kawanihan ng Guangxi sa Radyo, Pelikula at Telebisyon, na nag-iwan din ang biyaheng ito ng maraming impresyon sa kanya.

Sa isang pulong na idinaos noong ika-29 ng Abril sa Nanchang, lunsod sa gitnang timog ng Tsina, bilang paglalagom sa kooperasyong pang-agrikultura ng Tsina at ASEAN nitong limang taong nakalipas, sinabi ni Niu Dun, pangalawang ministrong pang-agrikultura ng Tsina, na sapul nang isagawa ng Tsina at ASEAN ang kooperasyong pang-agrikultura noong 2002, tinutulungan ng Tsina ang mga bansang ASEAN sa pagpapalaganap ng hybrid rice at maunlad na teknolohiya ng pagtatanim at bunga nito'y maliwanag na napasulong ang produksyon ng mga bansang ASEAN ng pagkaing-butil at napataas nang mahigit 30% ang kanilang output nang sa gayo'y mabisang napabuti ang kalagayan ng seguridad ng pagkaing-butil ng ASEAN. Ayon kay Niu, nitong dalawang taong nakalipas, tinulungan ng Philippine-Sino Center for Agricultural Technology ang mga lugar ng Pilipinas na itinanim ang isang milyong hektarya ng hybrid rice at ang karaniwang output nito bawat hektarya ay mas malaki nang halos 40% kaysa sa mga palay sa lokalidad. Tinulungan naman ng panig Tsino ang Myanmar at Kambodya na itinanim ang 13 libong hektarya ng hybrid rice. Bukod dito, noong 2005, iniluwas ng Tsina sa ASEAN ang 18 libong toneladang binhi ng hybrid rice at noong 2006, umabot ang bilang na ito sa 25 libo. Sinabi rin ni Niu na sapul noong ika-90 dekada ng ika-20 siglo, tinutulungan ng Tsina ang Golden Triangle na magsagawa ng pagtanim ng kahalili ng poppies at sa gayo'y, mabilis na nabawasan ang saklaw ng taniman ng poppies sa rehiyong ito. Sinabi rin niya na nitong ilang taong nakalipas, inilaan lahat-lahat ng Tsina ang mahigit 500 milyong yuan RMB para tulungan ang Golden Triangle na itanim ang palay, goma, prutas at iba pa. Bukod dito, nagsagawa ang Tsina ng preperensiyal na patakaran ng pagbawas at pagkonsela ng buwis sa pagbebenta ng naturang mga kahaliling pananim sa Tsina.

Napag-alaman noong isang linggo ng mamamahayag mula sa departmento ng komunikasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa timog kanlurang Tsina na pabibilisin ng rehiyong awtonomong ito ang konstruksyon ng mga lansangang patungong Biyetnam. Sa kasalukuyan, binabalak ng Guangxi ang konstruksyon ng mga lansangang patungong Biyetnam para mabuo ang isang land communication network na iuugnay ang Biyetnam sa dakong timog, gitna at timog kanluran ng Tsina. Ayon sa pagtaya, itatayo ang isang haywey sa pagitan ng Nanning, punong lunsod ng Guangxi at Hanoi, kabisera ng Biyetnam.