Mga sangkap
Isang pato na tumitimbang ng 1200 gramo at inalisan ng laman 25 gramo ng labong 10 piraso ng malutong na gulay 50 gramo ng mantika 150 gramo ng toyo 50 gramo ng shaoxing wine 20 gramo ng asukal 10 gramo ng sesame oil 50 gramo ng scallion, hiniwa-hiwa 10 gramo ng luya, hiniwa-hiwa 1000 gramo ng tubig
Paraan ng pagluluto
Alisin ang mga paa at buntot ng pato. Isingit nang mahigpit ang ulo ng pato sa pagitan ng mga pakpak nito. Pakuluin hanggang lumitaw ang marugong bula. Hanguin at hugasan. Ilagay ang pato sa palayok na pababa ang tiyan. Lagyan din ang 10 gramo ng scallion at lahat ng mga luya at labong.
Ibuhos ang tubig sa kaldero at initin sa malakas na apoy. Lagyan ng asukal, buhusan ng toyo at shaoxing wine at pakuluin. Alisan ng bula. Ibuhos ang sopas sa palayok na may pato at takpan, tapos initin sa malakas na apoy. Pagkaraang kumulo, bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 3 oras hanggang lumambot ang pato.
Alisan ng scallion at luya at baligtarin ang pato para pataas ang tiyan ng pato. Hanguin ang labong at hiwa-hiwain, tapos ilagay sa tiyan ng pato. Mabilis na pakuluin ang gulay at ilagay din sa tiyan ng pato.
Initin sa kawali ang mantika. Lagyan ng nalalabing scallion at igisa hanggang sa maging kulay brown. Alisan ng scallion at wisikan ng mantika ang pato. Wisikan din ng sesame oil. Isilbi.
Katangian: nananatiling buo ang pato, pero kumalag ang lahat ng karne mula sa buto. Masustansiya pero hindi mamantika.
Lasa: ito ay isang maalat na ulam, pero kaunting matamis. Masarap.
|