• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-10 21:03:09    
Si Tong Lihua at ang kaniyang Legal Aid Station for Migrant Workers

CRI

Para kay abugadong Tong Lihua, may espesiyal na katuturan ang katatapos na Mayo Uno, Pandaigdig na araw ng mga Mangagawa. Dahil sa araw na iyon, nagkamit siya ng National Labor Medal ng Tsina. Ang medalyang ito ay ginawaran ng pamahalang Tsino para parangalan ang mga karaniwang mangagawag makapagbibigay ng dakilang ambag sa kani-kanilang larangan. Ito ang pinakamataas na dangal na hinaghangad ng bawat mangagawang Tsino. Si Tong ay nagbigay ng namumukod na ambag sa aspekto ng pagbibigay-tulong sa mga migrant rural workers sa pangangalaga ng kanilang interes nitong ilang taong nakalipas, kaya, ginawaran siya ng medayang ito sa Mayo Uno ng taong ito.

Kilalang-kilala sa maraming migrant worker sa Beijing ang legal aid station ni Tong. Nagkakaloob ang estasyong ito ng mga advisory service sa mga migrant worker at tinutulungan silang magsagawa ng asunto at hindi naniningid ng bayad sa lahat ng mga serbisyong ipinagkaloob nito. Ang estasyong ito na nasa dakong kanluran ng Beijing ay halos araw-araw na dinadalaw. Ang 25 taong gulang na si Wang Songqiang na galing sa kanayunan ng lalawigang He'nan sa gitnang Tsina ay isa sa kanila. Noong 5 taon na ang nakaraan, pumunta siya sa Beijing at sinimulang magtrabho sa isang pabrika. Ngunit, hindi nilagdaan nila ng pabrika ang kasunduang pantrabaho at hindi rin pinagkalooban sila ng seguro sa work injury at medical service alinsunod sa batas. Kaya, ang estasyon ay pinutahan niya. Sinabi niyang:

"Sinabi ng kasama ko na may isang legal office ditto sa Beijing na nagkakaloob ng walang bayad na serbisyo. Kaya, pumarito ako at umaasa tutulungan nitong lutasin ang problema ko."

Kasunod ng walang humapay na progreso ng urbanisasyon ng Tsina, mas maraming magsasaka ang nagsusuguran sa lunsod. Gumagawa sila ng malaking ambag para sa konstruksyon ng lunsod. Ngunit, dahil hindi pamiliyar sila sa lunsod at saka hindi masyado edukado, kapos sila ng kakayahan sa pangangalaga ng kanilang sariling interes. Palagiang nagaganap ang paglapastangan sa kanilang interes. Si Tong Lihua, tagapagtatag ng estasyong ito ay may 12 taong sa larangang pambatas. Noong 2003, isang insidente ang nag-udyok sa kaniya sa pagsisimula ng pagbibigay ng walang bayad na serbisyong legal. Sinabi niyang bayaran ng yunit na pinagtatrabahuhan ng dalawa niyang kaibigang magsasaka ang pagkakautang nito ng 8,000 Yuan sa kanila. Ipinasiya ni Tong na tulungan silang makuha ang perang ito. Gumawa si Tong ng imbestigasyon sa kasong ito. Nagulat siyang malaki: kung gusting makuha ang isang Yuan sa naantala nilang sahod, ang mga migrant worker ay bayad ng 3 Yuan. Si Tong ay nagmula sa kanayunan, alam na alam niya ang kahirapan ng mga magsasaka. Kaya, determinado si Tong na magbigay-tulong sa mga migrant worker sa pamamagitan ng kaniyang propesyonal na kaalmang pambatas. Noong sedyembre ng taong 2005, naitayo ang stasyong ito. Magkaloob ito, pangunahing na, ng dalawang uri ng serbisyo: una, nagkaloob ng advisory service para patnubayan ang mga migrant worker na pangalagaan ang kanilang interes sa pamamagitan ng batas. Ikalawa, direktang tulungan ang mga migrant workers na hawakan ang mga kaso. Ang lahat ng mga serbisyo ay walang bayad at maging sa ilang kaso, siya ang bahala sa gastos. Isinalaysay ni Tong na sa kasalukuyan, nagkamit ang kaniyang estasyon ng pagkatig ng pamahalaang munisipal ng Beijing, nagbigay ng takdang subsidy ang pamahalaan para sa bawat kaso at kung kulang pa sa pondo, nangangalap sila sa lipunan. Nang mabanggit ng mamamahayag ang simpleng tanggpan ng estasyong ito, sinabi ni Tong na:

"Bilang isang organisasyon ng kagalingang pampubliko, wala kaming pondo para pabutihin ang aming kapaligiran ng tanggapan. Dapat gamitin namin ang lahat ng kakaunting pondo para tulungan ang mas maraming migrant workers."

Masasabi, mas maliit ang sahod ng mga abugado ng estasyong ito kumpara sa kanilang kakarera. Kaugnay nito, sinabi ni Xing Wei, isa pang abugado ng estasyong ito na:

"Si Tong ang dahilan kung bakit ako kusang-loob na nagtatrabaho dito. Mrami siyang nagawa para sa uasapin ng kagalingang pampubliko. Gusto ko ring magbigay ng aking ambag sa larangang ito. Kung pinahahalagahan ko ang pera, tiyak na hindi akong nagtarabaho dito."