• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-11 20:27:30    
Aktibidad hinggil sa pangangalaga sa copyright, idinaraos sa mga paaralan ng Tsina

CRI

Noong ika-19 ng Abril, sa Renmin University--bantog na unibersidad ng Beijing, idinaos ang kauna-unahang panayam ng national lecturing tour activity na may temang "pangangalaga sa copyright at bansang mapanlikha". Ang aktibidad na ito ay itinaguyod ng Kawanihang Pang-estado ng Copyright ng Tsina na idaraos sa iba't ibang malaking lunsod ng Tsina. Ayon kay Ginoong Zhang Hongbo, namamahalang tauhan ng departamento ng sentro ng pangangalaga sa copyright ng Tsina, sinabi niya na:

"Sa iba't ibang lunsod, bukod sa pagdaraos ng may kinalamang panayam, magkakaroon ng talakayan at pagpapalitan ang lecture group kasama ng mga lokal na alagad ng pangangalaga sa copyright, lider ng lunsod at mga kinatawan ng mga may kinalamang bahay-kalakal. Ang isa naming tanging hangarin ay pasamahin ang pagpapasulong ng pangangalaga sa copyright at pagtatayo ng bansang mapanlikha."

Ang national lecturing tour activity ng "pangangalaga sa copyright at bansang mapanlikha" ay isang bahagi lamang ng naturang serye ng aktibidad ng Tsina.

Opisyal na sinimulan din kamakailan ang debatehan ng mga estudyante ng pamantasan hinggil sa pangangalaga sa copyright. Binuo ng maraming unibersidad ang mga delegasyon para dumalo sa debatehang ito. Bago magsimula ang debatehan, binasa ng kalahok na kinatawan ang nakasulat na proposal sa mga estudyante ng pamantasan sa buong bansa ukol sa pangangalaga sa copyright. Sinabi ng proposal na:

"Dapat manguna tayo sa di paggamit at pagpapalaganap ng mga piniratang produkto at dapat kilusin ang ibang tao na tanggihan ang piracy at katigan ang legal na kopya."