Ang Abril ang pinakamagandang panahon ng Hainan, lalawigan sa dulong timog ng Tsina. Maganda ang tanawin at maligamgam ang temperatura. Simula noong taong 1998 nang magkakasamang imungkahi nina dating Pangulong Fidel V. Ramos ng Pilipinas, dating punong ministro Bob Hawke ng Australya at dating punong ministro Morihiro Hosokawa ng Hapon na itatag ang isang porum para sa Asya.
9 na taon na ang nakararaan at hanggang ngayon, 6 na Bo'ao Forum For Asiya o BFA ang naidaos sa naturang lalawigang Tsino. Buong-pagkakaisang nagpapahayag ng kanilang pagpapahalaga sa porum na ito ang Tsina bilang host-country, iba pang mga bansa, multinasyonal na bahay-kalakal at mga bantog na personahe mula sa iba't ibang sirkulo.
Kapuwa nakalahok dito ang puno ng estado at puno ng pamahalaan ng Tsina na sina Hu Jintao at Wen Jiabao. Sa katatapos na ika-6 na porum, maging si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, kasama nina Pangulong Shaukat Aziz ng Pakistan, Nobelist Muhammad Yunus at Bill Gates, Tagapagsimula ng Microsoft ang nanguna sa listahan ng mga kalahok.
Bawat taon, nagsisikap ang mga tagapag-organisa ng porum sa pagpili ng mga isyung pinagmamalasakitan ng mga personahe mula sa sirkulo ng kabuhayan ng Asya para talakayin. Kaugnay ng mga paksa ng katatapos na porum, sinabi ni Fidel V. Ramos, muling nahirang bilang tagapangulo ng BFA, na:
"Halimbawa, inimbitahan namin ang maraming kabataang empresaryo para talakayin ang mga kinauukulang isyu sa iba't ibang larangan ng lipunan. Sa tingin namin, ang pag-eeduka sa mga kabataang lider ng mga bahay-kalakal ay isang pangunahing tungkulin ng aming porum, bukod dito, tinalakay pa namin ang ilang iyung may kinauukulan sa sustenableng pagunlad."
Ang tema ng katatapos na porum ay "Inobasyon at Sustenableng Pag-unlad". Maraming puno ng mga multinasyonal na bahay-kalakal mula sa apat na sulok ng daigdig ang kalahok sa porum.
|