• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-14 20:33:16    
Mayo ika-7 hanggang ika-13

CRI
Noong Biyernes at Sabado, magkakahiwalay na kinapanayam ng delegasyon ng mga mamamahayag ng China-ASEAN Cooperation Tour sina Bouasone Bouphavanh, punong ministro ng Laos, Bosaykham Vongdara, kagawad ng komite sentral ng Lao People's Revolutionary Party at tagapangulo ng samahan ng pagkakaibigang Laosyano-Sino at Guan Mu, Embahada ng Tsina sa Myanmar.

Sa kapanayam noong Sabado sa Vientiane, ipinahayag ni Punong Ministro Bouasone Bouphavanh ng Laos na dapat matularan ng kanyang bansa ang karanasan ng Tsina sa reporma at pagbubukas sa labas at igiit ang sariling landas ng reporma at pagbubukas sa labas. Ipinahayag din ni Bouasone na magkapareho ang sistemang pulitikal ng Tsina at Laos, kaya maaaring matularan ng kanyang bansa ang mga karanasan ng Tsina sa iba't ibang aspekto.

Sa kapanayam noong Biyernes sa Vientiane, ipinahayag ni Bosaykham Vongdara, kagawad ng komite sentral ng Lao People's Revolutionary Party at tagapangulo ng samahan ng pagkakaibigang Laosyano-Sino, ang kanyang pag-asang gagawa ang FM radio station ng China Radio International (CRI) sa Vientiane ng mas malaking ambag para sa pagpapasulong sa pagkakaibigan ng Tsina at Laos sa hinaharap. Sinabi niyang nitong nakalipas na kalahating taon sapul nang simulang magbrodkast ang FM radio ng CRI, mainit na tianggap ito ng mga mamamayang Laosyano. Umaasa siyang sa hinaharap, patuloy na payamanin ng radyong ito ang nilalaman sa aspektong gaya ng impormasyon, kultura at musika, at gagawa ng mas malaking ambag para sa pagpapasulong ng pagkakaibigan ng 2 bansa.

Sa kapanayam noong Sabado sa Rangoon, sinabi ni Guan Mu, Embahada ng Tsina sa Myanmar na buong tatag na igigiit ng Pamahalaang Tsino ang patakaran ng pakikipagtulungang pangkaibigan sa Myanmar. Sinabi ni Guan na may napakahabang kasaysayan ng pagpapalitan ang Tsina at Myanmar. Nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng pagpapahalaga at pagpapasulong ng mga Pamahalaan at mga Lider ng dalawang bansa at sa ilalim ng pagsisikap ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng lipunan, nagtamo ng bagong progreso ang kanilang pagtutulungan sa mga larangang gaya ng pulitika at kabuhayan. Ang pagtutulungang ito aniya ay angkop sa interes ng kanilang mga mamamayan. Sinabi rin niyang buong tatag na igigiit ng Tsina ang patakarang pangkapayapaan, pangkooperasyon at pangkaibigan, at magsikap ito kasama ng mga bansang ASEAN na kinabibilangan ng Myanmar para mapaunlad ang kabuhayan sa rehiyong ito.

Sa kaniyang pakikipagtagpo noong Huwebes sa Hanoi kay Liu Qibao, kalihim ng komite ng pan-rehiyong autonomo ng Guangxi ng Partido komunista ng Tsina, ipinahayag ni Nguyen Tan Dung, puno ministro ng pamahalaan ng Biyetnam na puspusang pasusulungin ng kaniyang Partido, pamahalaan at mga mamamayan ng Biyetnam ang pagkakaibigan ng Biyetnam at Tsina at pag-unlad ng komprehensibong kooperasyon. Sinabi ni Nguyen na nitong ilang taong nakalipas, pinalalim ang kooperasyon at pagpapalitan ng 2 bansa sa kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan at iba pang larangan at ito ay nagbibigay ng aktuwal na interes sa mga mamamayan ng 2 bansa. Ipinahayag niyang espesiyal na pinahahalagahan ng kaniyang bansa ang pagpapaunlad ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan nila ng Guangxi, Yunan ng Tsina. Sinabi ni Liu na nitong ilang taong nakalipas, natamo ang bagong progreso ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Guangxi at Biyetnam at lumalaki nang malalaki ang halaga ng bilateral na kalakalan. Iniharap ni Liu ang ilang praktikal na mungkahi para mapasulong ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Guangxi at Biyetnam.

Ipinatalastas noong Huwebes ni Le Dung, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Biyetnam na magsasagawa si pangulo Nguyen Minh Triet ng Biyetnam ng dalaw-pang-estado sa Tsina mula ika-15 hanggang ika-18 ng kasalukuyang buwan. Ipinahayag niyang ang pagdalaw na ito ay naglalayong ibayo pang pasulungin ang pangkaibigang relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa sa bagong yugto ng pag-unlad at palakasin ang pag-uunawaan ng dalawang bansa. Ipinahayag pa ni Le Dung na sa pagdalaw, uulitin ng Biyetnam ang palaging patakaran ng kanyang bansa na unahin ang pagpapaunlad ng relasyong pangkapitbansa sa Tsina, tatalakayin din ng dalawang panig ang isyung kung papaanong matutupad ang mga komong palagay na narating ng dalawang panig noong taong 2006.

Napag-alaman noong Sabado ng mamamahayag mula sa sekretaryat ng China-ASEAN Expo na mula kasalukuyang taon, idaraos sa ekspong ito ang aktibidad ng theme country at pipiliin ang dalawang bansang ASEAN bilang theme countries sa bawat ekspo. Ang Singapore at Brunei ay magiging mga theme countries ng ekspo sa kasalukuyang taon. Sa panahon ng pagdaraos ng ekspo, isasagawa ng theme country ang isang serye ng aktibidad, at magtatamasa sila ng preperensiyal na serbisyo na ipinagkaloob ng lupong tagapag-organisa ng ekspo.