• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-14 20:33:36    
Panoorin ang paggawa ng xuan paper sa Jingxian County

CRI

Alam ba ninyo ang mga tradisyonal na kagamitan sa calligraphy at inkpainting sa Tsina, alalaon baga'y ang writing brush, inkstick, xuan paper at inkstone? Ang mga iyo'y tinatawag na apat na kayamanan sa pag-aaral sa Tsina.

Ang Lunsod Xuancheng sa Lalawigang Anhui ay isang lunsod na may mahigit 1000 taong kasaysayan sa paggawa ng writing brush, inkstick, xuan paper at inkstone. Kaya binansagan iyong "Bayan ng Apat na kayamaman sa silid-aralan sa Tsina".

Ang primerang klaseng xuan paper na itong ginagamit sa calligraphy at inkpaiting ay malabot at di madaling mapuinit at makinis na di nagbabago sa katagalan ng panahon. Dahil niyari ito sa Xuancheng kaya nagkaroon ng gayong katawagan.

Sa Jingxian County na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Xuancheng, naruruon ang China Xuan Paper Group Company--pinakamalaking empresang nagpoprodyus ng xuan paper. Kilalang-kilala na saanman ang xuan paper na pinuprodyus ng empresang iyon. Ganito ang sabi ng General Manager ng naturang kompanya na si Mr. She Guangbin na,

"Ang lugar nito ang siyang pinagmulan ng xuan paper at isa rin protektadong pook. Nagtataglay ang purok na ito ng bukod tanging heograpikal na kapaligiran, katangi-tanging tubig at likas na kayamaman. Ang higit na mahalga ay ang aming tradisyonal na teknolohiya sa paggawa ng xuan paper na napabilang sa intangible heritage na sa ilalim ng produksyon ng estado noong taong 2006. Karamihan sa mga teknolohiya sa paggawa ng xuan paper ay nagpasalin-salin na sa hene-henerasyon."