• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-14 20:34:00    
Iligtas ang South China Tiger

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa unang bahagi ng ating Friday Special.

Bukod sa giant panda, ang isa pang ipinagmamalaking hayop ng Tsina na nalalagay sa bingit ng extinction ay ang South China tiger. Napakaliit na ng bilang ng natitirang lahing ito ng tigre kaya't kung hindi maaagapan, tuluyan itong maglalaho.

Mga apat na taon na ang nakararaan, ang State Forestry Bureau ng Tsina ay nagbigay ng go-signal sa Meihua Mountain Nature Reserve para sa opisyal na paglulunsad ng programang tinawag na "breeding and return to the wild". Ang naturang reserve ay nasa Lalawigan ng Fujian. Ito ang pinakahuling aksiyon ng bansa para mailigtas ang South China tiger na nangunguna ngayon sa listahan ng 10 species ng mundo na nasa bingit ng extinction.

Ang tigreng ito na kung minsan ay tinatawag ding Chinese tiger ay nasa unang antas ng proteksiyon ng Estado ng Tsina. Sa kasalukuyan, mayroon na lamang 20 o mahigit na ganitong uri ng tigre sa ilang at 59 sa sheltered habitats na mas mababa kaysa sa bilang ng populasyon ng mga giant panda.

Pagkaraan ng maraming field inspections sapul noong 1990 sa mga Lalawigan ng Fujian, Guangdong, Jiangxi at Hunan, natiyak ng mga eksperto na ang Bundok ng Meihua sa Lunsod ng Longyan ay ang purok na madalas pinamamalagian ng mga South China tiger at ito ang may pinakamalaking populasyon ng tigreng ito. Naniniwala sila na ang purok na ito na nasa katimugang gilid ng rehiyong subtropical ay ang pinaka-angkop na habitat para sa mga South China tiger dahil sa paalun-along bulubundukin, mayabong na kakahuyan at mataas na humidity.

Noong unang hati ng 1998, ang mga opisyal ng Lunsod ng Longyan ay dumalaw sa Bundok ng Meihua at nagbigay ng endorsement sa paglulunsad ng South China Tiger Rescue Program. Ang mga awtoridad ng Meihua Mountain Nature Reserve ay nagsumite rin ng pangkalahatang plano at ng isang feasibility study report sa kawanihan kaugnay ng programa ng pagpaparami at pagpapakawala sa ilang. Iminungkahi ng plano ang konstruksiyon ng isang 500 hektaryang enclosure para sa mga tigre, na naglalayon naman na makapagparami ng isang daang nanganganib na species sa 2010 at ang lahat ng mga ito ay unti-unting pakakawalan sa ilang.

Bago sumapit ang taong dalawang-libo, inaprobahan ng State Forestry Bureau ang pagtaayo ng South China Tiger Breeding and Research Center sa bundok ng Meihua. Pagkaraan ng dalawang buwan, tatlong South China tigers, dalawang lalaki at isang babae, ang inilipat sa breeding center mula sa Suzhou Zoo. Para maiwasan ang inbreeding, ang mga mananaliksik ay nagdala rin ng iba pang South China tigers mula sa Lunsod ng Guilin, sa Guangxi, noong Hunyo ng taong dalawang-libo.

Noong Agosto ng taon ring iyon, naglagay ng isang enclosure sa bundok at ito ay nagkakaloob ng walang-panganib at likas na tirahan para sa mga tigre. Pagkaraan naman ng isang taon, ang babaeng tigre mula sa Guangxi ay nanganak ng tatlong batang tigre na itinuturing ng marami bilang simbolo ng inisyal na tagumpay ng programa ng pagliligtas sa South China tiger.

Ang mga lokal na opisyal sa Lunsod ng Longyan ay nakapangalap na ng halagang 14 na milyong yuan para sa naturang programa na ipatutupad sa tatlong estado: pagtatayo ng breeding at research center, konstruksiyon ng natural na ilang na tirahan at pagtatayo ng nature reserve.

At iyan ang unang bahagi ng ating Friday Special. Magpapatuloy tayo...

Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino--ikalawang bahagi ng ating

Friday Special.

Ang liham na bibigyang-daan natin ay padala ni Gertrud Nolasco ng Balanga, Bataan. Sabi ni Gertrud:

Dear Kuya Ramon,

Marami kang ginagawa, alam ko, pero paano mong nahahati-hati ang oras mo sa amin? Sa kabila ng pagiging busy mo, may time ka pa rin para sa mga sulat namin. Maniwala ka man o hindi iyan ang bagay na hinahangaan ko sa iyo.

Gusto ko ang pakikipag-usap mo sa mga tagapakinig kasi nakakakuha kami ng idea sa kanilang mga palagay hinggil sa iba't ibang bagay. Ang isang halimbawa dito ay iyong comment ng listener hinggil sa Kongreso ng China. Marami akong nalaman hinggil sa Congress na ito.

At the moment pareho lang ang quality ng signals ninyo sa 7.180 mghz at 12.110 mghz. Sana hindi na ito magbago. Ang family ko naman ay natutuwa sa Cooking Show mo. Sabi kumpleto raw sa effects. Bagay na bagay daw sa iyo--hahaha.

Maganda ang dating ng mga pinatutugtog mong kanta sa Gabi ng Musika. Somehow narerelaks ang isip ko. Tapos sinasabayan mo pa ng pagbabasa ng SMS. Ang gusting-gusto ko sa lahat ng music mo ay iyong Pinoy classics at Jazz. Suwabeng-suwabe kasi ang dating at magaang sa pakiramdam.

Matagal na rin akong nakikinig sa iba't ibang istasyon sa short-wave pero mula nang marinig ko ang boses mo unti-unti nang nawala ang mga ito at ngayon lagi na lang akong nakatutok sa inyong Serbisyo. Tama ang sabi ng iba, hindi kumpleto ang araw kung walang Serbisyo Filipino. Sana marami pang maabot na lugar ang inyong Serbisyo. Ang inyong mga programa ay maaring ipagmalaki saan mang sulok ng mundo.

Puputulin ko na ito rito, kuya, para magkaroon naman ng chance ang iba.

Take care of yourself coz we all care...

Gertrud Nolasco
Balanga, Bataan
Philippines

Salamat sa iyong patuloy na pagsubaybay sa aming mga programa, Gertrud, at ganoon din naman sa iyong understanding. Ipagpatuloy mo ang pagsulat mo, ha?

At hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.