Bilang tugon sa pangangamba sa credit ng mga magsasaka, sinabi naman ni Guo Tongliang, Pangalawang Tagapangasiwa ng Rishenglong, isang microfinance company na, hanggang sa kasalukuyan, wala silang problema sa pagsingil ng mga pautang. Sinabi pa niya na:
"Hanggang sa kasalukuyan, nakakakula kami ng dalawang 100%: Nasisingil namin ang 100% ng mga pautang na dapat bayaran at gayundin ang interest rate."
Kasabay nito, itinatag din kamakailan ng mga kinauukulang panig ang China Postal Savings Bank. Napag-alamang 70% ng 36 na libong sangay nito ay matatagpuan sa kanayunan ng bansa.
Ang nasabing village bank, microfinance company at Postal Savings Bank, kasama ang Agricultural Bank of China, isa sa apat na malaking bangkong ari ng Estado, ay nagsisilbing pangunahing organo na nagpapasulong ng serbisyong pinansyal sa kanayunan ng bansa.
Gayunpaman, iminungkahi rin ng mga dalubhasa na upang mapahusay ang serbisyong pinansyal sa kanayunan, dapat ding hikayatin ang mas marami pang institusyong pinansyal na magbukas ng sangay sa kanayunan sa pamamagitan ng pagbalangkas ng mga preperensyal na patakaran. Bilang tugon, sinabi ni Liu Mingkang, Puno ng China Banking Regulatory Commission o CBRC, na patuloy na isasaayos ng kanyang komisyon ang mga hakbangin bilang pagkatig sa pag-unlad ng pinansyang rural. Sinabi niya na:
"Bilang tugon sa mga problema sa pinansya sa kanayunan na tulad ng pagiging kaunti pa ring bilang mga institusyong pinansyal at mababang episiyensiya ng kanilang serbisyo, paluluwagin ng CBRC ang restriksyon sa pagsisimula ng serbisyong pinansyal sa kanayunan ng mga institusyong pinansyal."
|