Dear Kuya Ramon,
Marami kang ginagawa, alam ko, pero paano mong nahahati-hati ang oras mo sa amin? Sa kabila ng pagiging busy mo, may time ka pa rin para sa mga sulat namin. Maniwala ka man o hindi iyan ang bagay na hinahangaan ko sa iyo.
Gusto ko ang pakikipag-usap mo sa mga tagapakinig kasi nakakakuha kami ng idea sa kanilang mga palagay hinggil sa iba't ibang bagay. Ang isang halimbawa dito ay iyong comment ng listener hinggil sa Kongreso ng China. Marami akong nalaman hinggil sa Congress na ito.
At the moment pareho lang ang quality ng signals ninyo sa 7.180 mghz at 12.110 mghz. Sana hindi na ito magbago. Ang family ko naman ay natutuwa sa Cooking Show mo. Sabi kumpleto raw sa effects. Bagay na bagay daw sa iyo--hahaha.
Maganda ang dating ng mga pinatutugtog mong kanta sa Gabi ng Musika. Somehow narerelaks ang isip ko. Tapos sinasabayan mo pa ng pagbabasa ng SMS. Ang gusting-gusto ko sa lahat ng music mo ay iyong Pinoy classics at Jazz. Suwabeng-suwabe kasi ang dating at magaang sa pakiramdam.
Matagal na rin akong nakikinig sa iba't ibang istasyon sa short-wave pero mula nang marinig ko ang boses mo unti-unti nang nawala ang mga ito at ngayon lagi na lang akong nakatutok sa inyong Serbisyo. Tama ang sabi ng iba, hindi kumpleto ang araw kung walang Serbisyo Filipino. Sana marami pang maabot na lugar ang inyong Serbisyo. Ang inyong mga programa ay maaring ipagmalaki saan mang sulok ng mundo.
Puputulin ko na ito rito, kuya, para magkaroon naman ng chance ang iba.
Take care of yourself coz we all care...
Gertrud Nolasco Balanga, Bataan Philippines
|