• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-17 18:35:13    
Si Wang Ruiguang at ang kaniyang 3 nagkakaibang karanasang pambuhay

CRI

Si Wang Ruiguang ay isang karaniwang kabataang Tsino, ngunit, mayroong siyang di-karaniwang karanasan pambuhay. Datapuwa't 35 taong gulang lamang, nakaranas siya ng 3 higpit na nagkakaibang buhay: diplomata, mangangalakal at guro sa pamantasan.

Noong 1995, natapos ni Wang ang kaniyang pag-aaral sa wikang Italiano sa Beijing Foregin Studies University. Dahil sa kaniyang magandang grado, pumasok siya sa departamento ng mga suliraning Europeo ng ministring panlabas ng Tsina. Noong 1996, ipinadala siya sa emebahang Tsino sa Italya. Nakinabang malaki si Wang sa kaniyang 2 taong karanasan bilang diplomata. Ngunit, hinangad niya ang pagkakaroon ng bagong karanasan sa kaniyang buhay. Pagkaraan ng mahabang pagsasaalang-alang, ipinasiya niyang mabitiw at pumasok sa sirkulong komersiyal. Sa tingin ng maraming tao, ang pagiging isang diplomata ay isang kahanga-hangang karera at di-naguniguni ang aksyon ni Wang. Ngunit, ipinalalagay niyang tama ang kaniyang pagbili. Sinabi niyang:

"Malaki ang nakamit ko mula sa aking karanasan sa ministring panlabas at di-kakaunti ang tulong nito sa mga gawain ko pagkaraan nito. Hinding hindi nagsisi ako sa pagbiling ito."

Pagkabitiw, nakatakda siyang magpahinga nang takdang panahon. Ngunit, para tulungan ang kaniyang kaibigan, si Wang ay naging tagasalin sa isang kilalalng operang Italiano—Turandot. Sa panahon ng palabas, ang mahusay na pagsasalita ng wikang Italyano ni Wang ay nakatawag ng pansin ng isang namamahalang tauhan ng isang kompanyang kultural na nagsasagawa, pangunahin na, ng pagpapalitan ng Tsina at Itlaya sa larangan ng TV at film. Kaya, namasukan siya sa kompanyang ito at nagtrabaho doon nang 3 taon. Sa 3 taong ito, dahil sa kaniyang kahusayan sa negosyo at walang humpay na pagpupunyagi, si Wang ay naging isang mahalagang tao sa kompanya. Kaugnay nito, sinabi ng kaniyang kasama sa kompanyang ito na si Tian Xing na:

"Nakakatuwa siya. Ang unang impresyong naiwan niya sa akin ay kaniyang pagmamahal sa kultura. Makaya siya't mapanlikha sa kanyang gawain at maging may taglay siyang diwa ng adventure, ngunit, mataimtim ang kaniyang pakikitungo sa bawat gawain."

Noong 2003, binuo ni Wang ang kaniyang sariling kompanya at patuloy na nagsagawa ng mga proyeko ng pagpapalitang kultural ng Tsina at Italya. Noong Enero ng taong 2006, binukasan sa Beijing ang Taon ng Kultura ng Tsina at Italya, itinaguyod ng pamahalaang Italiano ang maraming malaking aktibiad sa Beijing at lumahok sa ilan sa mga ito ang kompanya ni Wang. Mabunga at positibo ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng kultura, masasabi, si wang at iba pang mangangalakal na kultural ay gumanap ng mahalagang papel para rito.

Kasunod ng pagdaraos ng Taon ng Kultura ng Italya, mas maraming Tsino ang nagiging interasado sa Italya. Mas maraming mag-aaral na Tsino ang pumunta sa Italya para sa pag-aaral. Datapuwa't napakatagumpay ang kaniyang kompanya, ngunit, hindi gusto niyang habambuhay na nagnenegosyo. Nang malaman ni Wang na ang ang pagpapalakas ng pagtutulungan ng mga pamantasan ng dalawang bansa ay inilgay na pokus ng kasunduang nilagdaan ng ministri ng edukasyon ng Tsina at Italya at ang Tongji Unversity ay isa sa unang grupo ng mga pamantasang Tsino na makisangkot sa pagtutulungang ito. Pagkaraang malalim na makipagpalitan ng palagay sa mga lider ng pamantasan ng Tongji, ipinasiya ni Wang na muling bumago ng kaniyang propesyon. Sa kasalukuyan, bukod sa pamamahala sa pakikipagtalastasan sa mga may kinalamang pamantasan ng panig Italiano hinggil sa pagtutulungan ng dalawang panig, nagtuturo din si Wang ng oral Italino sa unibersidad. Sa palagay ng maraming mag-aaral, si Wang ay isang gurong mabusay sa paggawang kawili-wili ng pagtuturo. Sinabi ng isang estudiyenteng na si Li Xiaolin na:

"Kawili-wili ang klase ni gurong Wang. May kinalaman ito, marahil, sa kaniyang masaganang karanasan sa lipunan, at lagi ginagawa niya ang klase na puno ng masiglang atmospera"