• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-18 14:12:59    
Buong Tsina, pinahihigpit ang paglaban sa pamimirata

CRI

Ang ika-23 ng Abril ay "World Book and Copyright Day". Upang malalim na mapalaganap ang pangangalaga ng copyright sa publikong panlipunan, sa saklaw ng buong bansa, nagsasagawa ang Tsina ng "serye ng aktibidad ng pagpapasulong ng pangangalaga sa copyright sa 2007", at ang iba't ibang porma ng aktibidad ng pagpapalaganap ay tatagal ng katapusan ng kasalukuyang taon.

Isasagawa sa buong bansa ang aktibidad na "Start from me, reject piracy--sa hanay ng mga estudyante ng pamantasan".

Upang palaganapin ang kahalagahan ng pangangalaga sa copyright, nagtulungan ang samahan ng karapatan ng pagkatha ng musikang Tsino at Kawanihang Pang-estado ng Copyright ng Tsina para maidaos ang "pangangalaga sa copyright at pagpapasigla ng orihinal--Chinese original music tour activity". Kokolektahin ng lupong tagapag-organisa ang original music works ng mga music fans ng buong bansa, at ang mga mahusay na katha ay posibleng lumahok sa performance tour sa buong bansa Isinalaysay ni Ginoong Qv Jingming, pangkalahatang kalihim ng naturang samahan na:

"16 hanggang 17 taon na ang nakalipas sapul nang itatag ang copyright system ng Tsina, ngunit hindi ito kabisado ng buong lipunan, at marami ang ginawa taun-taon ng Kawanihang Pang-estado ng Copyright para mapalaganap ang kaalaman hinggil sa copyright, at ito ay nakakapagpatingkad ng malaking papel. Sa palagay ko, ang pagpapasigla ng original works ay dapat maging susi ng pangangalaga sa copyright."

Ayon kay Ginoong Wang Ziqiang, Direktor ng Copyright Department ng naturang kawanihang Tsino, mula noong 2004, nagsasagawa taun-taon ang Tsina ng mga aktibidad ng pangangalaga sa copyright sa publiko. Sa taong ito, may maraming nilalaman ang aktibidad ng pagpapasulong ng pangangalaga sa copyright, at pinakamalaki ang impluwensiya nito kumpara sa mga nakaraang taon.