• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-18 14:13:52    
Fidel Ramos, isinalaysay ang kinabukasan ng BFA

CRI
Bilang tugon sa tanong kung may kinalaman sa mga magsasaka at agrikultura ang paksa ng susunod na pulong ng BFA, sinabi ni Mr. Ramos na:

"Ang mga magsasaka ay napakahalaga sa Pilipinas, Tsina at Australya. Sa Doha round ng talastasan, isang di pa nalulutas na isyu ay isyu ng agrikultura. Ang Doha round ng talastasan ay para talakayin ang isyu ng liberalisasyon ng kalakalan, at ang layunin ng liberalisasyon ng kalakalan ay pangunahin na para humingi sa mga umuunlad na bansa, ito ay isang mahalagang isyung pangkabuhayan at pampulitika, lalung lalo na para sa mga magsasaka sa umuunlad na bansa. Malaki ang populasyong pang-agrikultura ng Tsina, tatalakayin ng pulong ng board of direktors ng BFA ang isyung ito."

Kasunod ng pagiging mas impluwensiyal ng BFA, mas maraming multinasyonal na bahay-kalakal ang lumahok dito. Itinuturing ng mga puno ng nasabing mga bahay-kalakal ang porum na ito bilang isang pangunahing plataporma para makipagpalitan sa kanilang counterpart hinggil sa impormasyong komersiyal. Mukhang isang party ng mga mayayaman ang porum na ito. Sa kaniyang pagsagot sa tanong kung magiging isang klab ng mayayaman ang BFA, sinabi ni Mr. Ramos na:

"Kahit anong paraan ang ginagamait namain para tulungan ang mga inang pantahanan, ang ginagawa namin ay pareho ng ginagawa ng isang millionaire na nag-abuloy ng ilampung bilyong dolyares. Iisang layunin ng pagparito nina professor Yunus at Gates. Pumarito sila para mabawasan ang kahirapan kahit magkaibang ang paraan. Ang hinahanap nila ay pagpapatupad ng double-win."