• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-21 18:36:52    
Chinese Soup para sa Hong Kong Pinays

CRI
Kayo ay nasa Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina. Ito si Ramon Jr. at welcome sa Cooking Show ng programang Alam Ba Ninyo.

Kumusta na kayo mga giliw na tagasubaybay ng Cooking Show ng Serbisyo Filipino.

Ilang kababayan sa Hong Kong ang nagtatanong kung ano pa raw ang mairerekomendang Chinese soup ng programang ito sa kanila. Iyong mga natutuhan daw nilang soup sa amin ay ilang ulit na nilang nailuto para sa kanilang mga amo. Gusto raw nilang matuto ng iba pa.

Naalala ko na may kantina sa San Andres na kilala sa iba't ibang uri ng soup--local at foreign. Sinadya namin ang kantinang ito na pag-aari ni Baby Rose Jimenes. Makaranasan si Baby sa pagluluto. Labinlimang taon na siyang nagpapatakbo ng kantina na ang karamihan sa mga parokyano ay estudyante, guro at nag-oopisina.

Masaya namang nagpa-unlak si Baby. Sabi niya ikinararangal niyang ibahagi sa palatuntunang ito ang lahat ng alam niyang luto at ngayong gabi para sa mga kababayan sa Hong Kong, meron siyang gustong irekomenda. Sige, Baby, bumati ka muna sa mga tagapakinig tapos sabihin mo sa kanila kung ano ang ipakikitang-luto mo...

Rich Sweet Corn Soup. Sabi ni Baby tinawag daw itong ganito dahil mayaman daw ito sa sustansiya at lasa. Tiyak daw na magugustuhan ito ng mga bosing ng mga kababayan na nagtatanong.

Sige, tuluy-tuloy na tayo. Alamin natin kay Baby kung anu-ano ang mga dapat nating bilhin sa pagluluto ng Rich Sweet Corn Soup...

Naritong muli ang mga sangkap:

1 chicken drumstick

1 chicken stock cube

4 na tasa ng tubig

1 lata ng creamed sweet corn soup (440 grams)

2 dried black mushrooms, ibinabad at ginayat nang pino

1 kutsarita ng light soya sauce

2 spring onions, tinadtad

Asin at puting paminta (depende sa kailangan ng panlasa ang dami)

2 kutsara ng cornflour

1/4 cup ng malamig na tubig

30 gramo ng lutong crabmeat at

1 itlog (binati)

Ngayon dumako na tayo sa paraan ng pagluluto. Naritong muli si Baby.

Hayan, doon sa mga kababayan sa Hong Kong, meron na naman kayong bagong soup na maisisilbi sa inyong mga amo. Iyan ay sa kagandahang-loob ni Baby Rose Jimenes.

Sabi ni Baby kung uuwi daw kayo ng Pilipinas bisitahin niyo naman daw ang kantina niya. Bibigyan daw niya kayo ng discount. Ipakita lang daw ninyo ang mga passport ninyo, hahaha.

Salamat, Baby.

Okay, makinig kayong mabuti. Naritong muli ang paraan ng pagluluto.

Pakuluan ang chicken drumstick hanggang sa lumambot. Huwag itatapon ang pinagpakuluang tubig. Hanguin ang manok at himayin ang laman. Ihulog ang stock cube sa tubig. Hayaang kumulo ang tubig hanggang sa matunaw ang cube.

Ilagay ang sweet corn, mushrooms, soya sauce at kalahating dami ng spring onion. Ilaga sa loob ng 2 hanggang 3 minuto tapos lagyan ng asin at putting paminta ayon sa panlasa. Palaputin ang sabaw sa pamamagitan ng mixture of cornstarch and water at ilaga sa loob ng 2 minuto. Ilagay ang manok at crabmeat at hayaang mainitan nang husto. Bago isilbi, ilagay ang binating itlog habang patuloy itong hinahalo. Tapos ibudbod ang natitirang spring onion.

Meron pa tayong nalalabing oras. Bigyang-daan natin ang liham ni Evelyn Rodil ng New Territories, Hong Kong. Sabi niya:

Kuya Ramon,

Lagi akong nakikinig sa programa mo especially Cooking Show kasi Chinese ang amo ko at ina-appreciate niya ang mga niluluto kong Chinese foods na natutuhan ko sa programa mo. Pero naubusan na ako ng recipe kaya sana magluto pa kayo nang magluto para matuwa naman ang bosing ko at mabigyan ako ng umento. Kasi ngayon inuulit-ulit ko na lang ang mga Chinese recipes na mula sa inyo. Sana dalasan naman ninyo ang pagluluto dahil marami kami ritong nag-aaral ng mga bagong Chinese recipes. Ang weakness ng amo ko ay pagkain kaya lagi siyang masaya pag may ini-introduce akong bagong recipe lalo na kung Chinese. Lagi kong aabangan ang iyong programang Cooking Show. Isa ako sa mga no. 1 fan mo rito.

Evelyn Rodil
New Territories
Hong Kong, China

Maraming maraming salamat, Evelyn, sa pagsubaybay mo sa aming Cooking Show. Hayaan mo, pipilitin naming dalasan ang pagluluto sa himpapawid. Puwede ka rin naming padalhan ng recipes kung kailangan mo. Sumulat ka lang.

Iyan, talagang wala na tayong oras. Maraming maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.