Noong unang dako ng ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, sa sandali ng kasukdulan ng kaniyang karia, napunta si Liu Yonggang sa Alemanya para doon ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Sinabi niyang:
"Noong unang dako ng ika-9 na dekada ng nagdaang siglo, isang German expressionistic exhibition ay idinaos sa Beijing National Cultural Palace. Nabighani ako nang-husto ng mga itinatanghal na obra. Halos pare-pareho ang estilo ng pagpinta nito sa estilo sa guni-guni ko. Kaya sa panahong iyon, hinahangad ko na mag-aral sa Alemanya balang araw."
Sa panahon ng kaniyang pananatili sa Alemanya, walang humpay na idinaos ni Liu ang pagtatanghal ng kaniyang obra sa maraming lunsod ng Alemanya. Pagkaraang umuwi siya, ang kaniyang itinanghal na gawa sa China National Museum of Fine Arts ay nakatawag ng malaking pansin ng sirkulong pansining ng Tsina.
Sinabi ni Liu na nitong 10 taong nakalipas sapul nang manirahan siya sa Alemanya, malaki ang impluwensiya ng estilo ng pagpinta sa Alemanya sa kaniyang ideya at likhang pansining. Sinabi niya na:
"Ang pinakamalaking impluwensiya sa akin ay una, pagbabago ng ideya; ikalawa, muling pagtasa sa materyal. Natutong akong kung maipapakita ang damdamin sa kaibturan ng puso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng materyal. Kaya, ginagamit ang lahat ng uri ng materyal: bato, tisa, Chinese ink at iba pa sa aking katha, at dapat kong maipapakita ang likas na kagandahan ng ganitong mga materyal, at ito ay palagiang hinahanap ko."
|