Ipakikilala namin sa inyo ang ilang matulaing purok sa lalawigang Sichuan sa timog kanluran ng Tsina.
Nasa itaas na bahagi ng Yangtze River ang lalawigang Sichuan. Sa ngayon, umaabot na sa mga 100 ang nagalugad na magagandang tanawin. Ayon sa direktor ng kawanihan ng turismo ng Sichuan na si Mr. Zhang Yu, kabilang doon ang limang pangunahing matulaing purok na siyang may sinasagisag na katangian. Sinabi niyang,
"Binibigyan diin namin ang limang pangunahing purok na may magandang tanawin na kinabibilangan ng Bundok Emei--na itinuturing na unang bundok sa Tsina, ang turist resort ng malaking Buddha sa Bundok Leshan, ang turist resort ng Dajiuzhai na kinabibilangan ng Jiuzhaigou, Huanglong at Aba, ang Dujiangyan at Bundok Qingcheng at ang protektadong purok ng panda sa Wolong."
Sa paglalakbay sa Sichuan, di maaaring di banggitin ang mga masasarap na pagkain doon. Talagang katangian ito ng Sichuan. Ang pagkaing Sichuan, ang alak at tsaang Sichuan ay kilalang-kilala sa Tsina at pati na sa daigdig.
Maanghang na may kahalong lasa ng Chinese prickly ash ang mga pagkaing Sichuan. Hinahaluan ng maraming sangkap ang mga ulam sa Sichuan at komplekado ang pagluto. May lasang maalat, malinamnam at maanghang, may lasang maalat, matamis, maasim at maanghang. Sa unang tikim lamang ay nagustuhan na ni Miss Rebecca Haase ng Estados Unidos ang putaheng Sichuan. Sinabi niyang,
"Kay sarap ng putaheng Sichuan, nagustuhan ko ang maanghang na lasa nito. Higit sa lahat, ang 'Mapodoufu'o maanghang na bean curd."
Ang Mapodoufu na binanggit ni Miss Rebecca Haase ang siyang pinakakilalang putahe sa lahat. Bukod dito ay may iba pang putahe na gaya ng maanghang na gisadong hinimay na karneng baboy, nilagang karneng, baka, maanghang na gisadong manok at adubong pata ng baboy na tintawag na "Dongporou".
|