Ayon sa estadistika, 70% ng populasyon ng Tsina ay taga-nayon, pero ang kanilang konsumo ay katumbas lamang ng 1/3 ng kabuuang konsumo ng bansa. Ang pagpapalaki ng konsumo, lalung lalo na ng konsumo ng mga magsasaka, ay isa sa mga isinasagawang priyoridad ng pambansang patakaran ng Tsina.
Sa proseso ng pagbubukas ng mga chain store, hinihikayat din ng mga kinauukulang panig ang mga pribadong tindahan sa kanayunan na lumahok sa proyektong ito.
Si Lei Jinqing ay taga-nayon ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng bansa at noong katapusan ng nagdaang taon, sa tulong ng subsidy ng pamahalaang lokal, nagawa niyang gawing chain store ang kanyang tindahan. Sinabi niya na:
"Salamat sa pagsasaayos, tumataas ngayon ng isang beses ang aming arawang bolyum ng negosyo. Noong araw, umabot sa mahigit 1000 Yuan RMB o 125 dolyares ang arawang bolyum ng negosyo at sa kasalukuyan naman, umaabot ito sa mahigit 2000 Yuan o 250 dolyares."
Gayunpaman, nahaharap din ang Tsina sa mga problema pagdating sa pagbubukas ng chain store sa kanayunan na tulad ng kawalang-balanse sa pagitan ng iba't ibang lugar at medyo mataas na halaga ng operasyon. Bilang tugon, sapul nang simulan ang proyekto, naglaan na ang Pambansang Pamahalaan ng espesyal na pondo rito at nagkaloob din ang China Development Bank ng mga preperensyal na pautang para sa mga bahay-kalakal na nagbukas ng tindahan sa kanayunan.
Kasabay ng pagbubukas ng chain store, marami pang isinasagawang ibang hakbangin ang Tsina para mapasulong ang konsumo ng kanayunan. Kaugnay nito, isinalaysay ni Ministro Bo na:
"Naglalagay kami ngayon ng network ng paghahatid ng mga produktong pang-agrikultura, ibig sabihin, nagpaplano kaming magbukas ng 100 pamilihan ng pakyawan at kasabay nito, tumutulong kami sa pagtatatag ng 100 bahay-kalakal na namamakyaw ng mga produktong pang-agrikultura."
|