Mga sangkap
200 gramo ng sariwang lotus roots 50 gramo ng siling berde 10 gramo ng siling labuyo 2 gramo ng asin 1 gramo ng vetsin 1 gramo ng asukal 10 gramo ng tubig 50 gramo ng mantika
Paraan ng pagluluto
Alisan ng balat ng lotus roots at hiwa-hiwain sa mga pirasong 0.3 sentimetro kapal. Hiwa-hiwain ang siling berde sa mga pirasong pareho ang kapal. Hiwa-hiwain din ang siling labuyo sa mga pirasong 0.5 sentimetro ang haba.
Initin sa kawali ang mantika sa temperaturang 70 hanggang 100 degree centigrade. Lagyan ng mga piraso ng lotus roots, siling berde at siling labuyo at igisa. Buhusan ng tubig, lagyan ng asin, vetsin at asukal at igisa pa hanggang maluto. Isalin sa plato at isilbi.
Katangian: maganda ang kulay na berde at pula ang mga sili at puti ang lotus roots.
Lasa: kaunting maanghang at malutong na malutong.
|