• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-31 10:37:56    
Minerva de la Pena: Sana maging maaliwalas ang pagdaraos ng Beijing Olympics dahil ito ay Asian pride

CRI

Dear Kuya Ramon,

Pasensiya na medyo late ang pasabi ko sa iyo. Natanggap ko na ang sagot mo sa letter ko pati mga items. Nagustuhan ko iyong t-shirt at CRI cap. Noon pa naririnig ko na ang inyong istasyon ay magiliw sa mga tagapakinig nito at wala itong pinipili.

Hindi man ako makasulat ay patuloy naman akong nakikinig sa inyong Balita, Usap-usapan, mga programang Cooking Show at iyong tungkol sa kapaligiran at mga action ng China na konektado sa pagliligtas sa panda, tiger at iba pang katulad na rare species na malapit nang mawala sa balat ng lupa. Kasi talaga namang paliit nang paliit ang mundo ng mga hayop kasi kinukuha ng mga tao.

Happy rin akong maki-join sa inyong Olympic Hotline kasi kahit papaano nadadagdagan ang kaalaman ko sa sports at nahahasa rin ang utak ko sa pag-iisip. Hindi kasi ako active sa ano mang sport. Madalas ninyong pinag-uusapan ang tungkol sa Olympics at iyong gaganaping Olympic games sa Beijing sa isang taon. Malapit na iyon. Sana maging maaliwalas ang pagdaraos nito dahil ito ay Asian pride. Hindi ba ang slogan ng Asians ay "all for one and one for all"?

Sana hindi kayo nadi-discourage kung hindi ko masagot ang sulat ninyo. Sisikapin kong sumulat ng madalas at makinig ng madalas.

Until next time.

Minerva de la Pena
Bajac-Bajac
Olongapo City
Zambales