• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-05-31 20:15:09    
Kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Indonesia, pumasok sa bagong yugto

CRI

Sa Jakarta, Indonesia, dumating dito kahapon ang delegasyon ng pamamahayag ng kooperasyon ng Tsina at Asean. Nang kapanayamin siya ng delegasyon, sinabi ni Marie Elka Pangestu, ministrong pangkalakalan ng Indonesia na naging pragmatiko at epetibo ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Indonesia, at sa gayon, pumasok ito sa isang bagong yugto ng komprehensibong pag-unlad, at nakahanda ang kaniyang bansa na gumanap ng mahalagang papel sa takbo ng pagtatatag ng CAFTA, malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN.

Ang Indonesia ay pinakamalaking economy body sa ASEAN, at napakahalaga ng papel nito sa pagtatatag ng CAFTA. Kaugnay dito, sinabi ni Marie Elka Pangestu na pinakamalaking bansa ang Indonesia sa ASEAN, at lubos na pinahahalagahan nito ang pakikipag-kooperasyon nito sa Tsina, hindi lamang sa larangan ng kabuhayan, kundi sa pamumuhunan. Ipinalalagay ng kaniyang bansa na mas mahalaga ang kooperasyon ng CAFTA sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Umabot sa halos 2 bilyon ang populasyon ng Tsina at ASEAN, kaya, dapat makinabang ang lahat ng mga mamamayan sa kooperasyon ng dalawang panig.

Aniya, ang Tsina at Indonesia ay magkapitbansang pangkaibigan. Nitong ilang taong nakalipas, malaking progreso ang natamo ng relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa at mainam ang tunguhing pangkooperasyon nito. Sa kasalukuyan, ganap na sinimulan ang konstruksyon ng CAFTA, at nakahanda ang Indonesia na gumanap ng mahalagang papel sa prosesong ito at pasulungin pa ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.

Nang mabanggit ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Indonesia, ipinahayag niyang nitong ilang taong nakalipas, pinahigpit ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng kabuhayan at kalakalan, kung ihahambing sa taong 2004, nagdoble ang kabuuang halaga ng kalakalan ng dalawang bansa noong 2006. Aniya, noong 2006, umabot sa 15 bilyon doryales ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at Indonesia, at batay sa komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, aabot ito sa 30 bilyong doryales sa taong 2010. Ipinalalagay niyang maisasakatuparan ang target na ito. Samantalang umaasa rin siyang bukod sa kooperasyon ng Tsina at Indonesia sa kabuhayan at kalakalan, dapat mapahigpit ang kanilang kooperasyong panturista. Kaunti pa aniya ang bilang ng mga turistang Tsino sa Indonesia at winewelkam ang mas maraming turistang Tsino papunta sa kaniyang bansa.

Kaugnay ng CAEXPO, China-Asean Expo na idinaos sa lunsod Nanning sa lalawigang Guangxi ng Tsina, sinabi niyang nagkaloob ito ng isang platapormang pangkooperasyon sa pagitan ng Tsina at mga bansang Asean, at aktibong lalahok ang mga bahay-kalakal ng Indonesia sa ika-4 na CAEXPO na idaraos sa Oktubre sa taong ito para mapasulong pa ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.