Ang Chinese character at titik ng iba pang minoriya ay ang tagadala ng kulturang Tsino, at pinakarepresentatibong ring simbolo ito ng ng tradisyonal na kulturang Tsino. Nitong ilang taong nakalipas, sa kuro ng pagkakatha, walang humpay at puspusang ginagalugad ng mga kontemporaryong alagad ng sining ng Tsina ang malaking kabighanian ng Chinese character, at si Liu Yonggang ay isa sa mga ganitong alagad ng sining ng Tsina na naninirahan sa Alemanya.
Si Liu Yonggang ay isinilang noong 1964 sa Inner Mongolia sa dakong hilaga ng Tsina. Bata pa'y mahilig na siya sa pagpinta. Noong 1982, nag-aral siya sa China Central Academy of Fine Arts. Pagkatapos ng kaniyang pag-aaral, nagturo minsan siya sa isang pamantasan.
Sa panahong ito, maraming katha niya ay itinatanghal sa loob at labas ng bansa. Unti-unting naging kilala na siya sa loob ng bansa bilang isang artista. Ang kaniyang obra-maestra "pastol na babae sa Baisala" ang laging binabanggit sa sirkulo ng arte ng Tsina.
Idinispley kamakailan ng China Arts Museum ang sculpture and painting works ni Liu Yonggang na pinamagatang "Standing Character" na kinabibilangan ng isang bahagi ng kaniyang serye ng malaking stone carving na may pamagat na "Loving Hug". 3 metro ang taas ng mga lilok ng batong ito. Kung tingnan sa malayo, ang mga lilok ng bato ay parang mga taong nagyayakap at nag-aakay sa isa't isa. Sa katunayan, ang bawat iskultura ay isang nakatayong batong titik.
Ayon kay Liu Yonggang, ang hugis ng naturang mga titik ay nagmumula sa titik na nililok sa tortoise shells o animal's bone noong sinaunang panahon ng Tsina.
Nang kapanayamin siya ng mamamahayag, sinabi ni Liu Yonggang na:
"Sa tradisyonal na kulturang Tsino, nagugustuhan ko ang titik. Noong bata pa, nagustuhan ko ang titik. Kaya pinag-aaralan at pinaghahambing ko ang mga titik na tradisyonal sa iba't ibang panahon ng kasaysayan ng Tsina. Pagkaraan ng mahabang panahon ng pagpupunyagi, ipinasiya ko, baguhin ang hugis at estruktura ng ganitong titik na maging potograpiko o visual."
|