Bago natin bigyang-daan ang liham ni Let Let Alunan ng Germany at ang ilang SMS mula sa ating textmates, hayaan niyo munang pasalamatan ko si Maricor Canitti ng Zambales sa pagbibigay-halaga niya sa Boao Forum for Asia o BFA at pagkakaloob ng ambag dito sa Serbisyo Filipino.
Matatandaan na ginanap ang komperensiya ng Boao nitong nagdaang Abril sa Hainan, China. Dumalo sa pulong si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sa kaniyang pag-uwi, siya ay may baong 1-bilyong-dolyares na halaga ng kontrata mula sa mga mangangalakal na Tsino. Sa naturan ring komperensiya, si dating-Pangulong Fidel V.Ramos ay muling nahalal bilang Chairman of the Board ng Boao para sa tatlong-taong termino. Sa kauna-unahang komperensiya ng Boao na ginanap noong 2002, si Mr. Ramos ay nahalal na Tagapangulo para sa limang-taong termino na nagtapos noong Abril.
Kaugnay ng mga ito, sinabi ni Maricor na:
Kabilang sa mga bagong miyembro ng BFA Board ay sina dating-Punong Ministro ng Australia Bob Hawke; Chairman Emiritus ng NYK Shipping ng Hapon Jiro Nimoto; dating-Punong Ministro ng Kazakhstan Sergey Terechshenko; Ericsson Chairman Michael Treschow; at Pangkalahatang Kalihim Amit Mitra ng Federation of Indian Chamber of Commerce and Industry.
Sapul nang itatag noong 2001 sa Tsina, ang BFA ay patuloy na nagkakaloob ng productive venues sa lahat ng mga bansang kasapi at mga bansang kalahok sa pulong para sa diyalogo sa mataas na antas sa pagitan ng mga lider ng mga bansa, mga organisasyong pandaigdig, academicians at iba pa hinggil sa mga isyung pangkabuhayan, panseguridad, pangkultura at pangkapaligiran.
Sa pamamagitan naman ng Instituto ng Pananaliksik nito at mga katuwang na institusyon na tulad ng Asian Development Bank, ang BFA ay nagmo-monitor, nangangalap at namamahagi ng mga authoritative information hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-bagay sa mundo at lubos na nagpapakita ng mga bagong pagkakataon para sa pagtutulungang panrehiyon at pandaigdig.
Ang tema ng Taunang Komperensiya ng BFA para sa taong ito ay: "Asia Winning in Today's Global Economy--Innovation and Sustainable Development".
Maraming salamat, Maricor, sa iyong patuloy na pagtangkilik sa programang ito.
Ngayon, tunghayan naman natin ang ilang SMS mula sa ating textmates.
Mula sa 919 461 3883: "Boao Forum for Asia malaking tulong sa Pinas! Mabuhay!"
Mula sa 918 794 3455: "Salamat sa Chinese coaches maraming Pinoy athletes ang gumanda ang paglalaro. Puwede na sa 2008 Olympics!"
Mula sa 917 401 3194: "Beijing Olympics, games of a lifetime!"
Oras na naman para sa pagbabasa ng liham ng tagapakinig dito sa Dear Seksiyong Filipino. Ang liham na bibigyang-daan natin ngayong gabi ay padala ni Let Let Alunan ng Germany. Sabi ng liham:
Dear Kuya Ramon,
Kumusta sa iyo at sa kanila. Kumusta ang eleksiyon sa atin? Nasundan mo ba ang development mula sa start ng campaign hanggang bilangan? Mga Pinoy dito medyo malamig ang balikat pag dating sa isyu ng pulitika. Hindi ko naman sila masisisi.
Baka matuloy ang listeners club sa Europe. Anung say nila? Nakukuha namin dito ang signal ninyo. May sekreto iyon at nakahanda kaming ituro sa iba. Dati on-line listening lang kami; pero ngayon DX-ing na.
By the way, successful daw ang trip ni PGMA sa China last April although pinaiksi ito dahil sa problema kay First Gentleman. May sakit ata ang Unang Ginoo. Ang sa akin lang ay dapat nating bigyan ng credit ang Pangulo at ang Boao Forum for Asia na dating-Pangulo ng Pilipinas ang isa sa mga tagapagtatag sa mga ganansiyang naibibigay sa mga bansang umuunlad at nagsisikap na umunlad.
Alam mo, lagi naming tinututukan ang inyong News and Current Affairs kasi ayaw naming mahuli sa mga kaganapan na may kinalaman sa Tsina. Alam mo naman siguro na 1990's pa ako nakikinig sa inyo.
Kumusta sa lahat ng Pinoys at Pinays sa Beijing. Susulat uli ako pag may bagong development.
Ingat!
Lots of love, Let Let Alunan Germany
Salamat, Let Let, sa iyong liham. Ang sipag mo talagang sumulat, ha? Maraming salamat din sa iyong malasakit sa aming Serbisyo. Hindi namin ito makakalimutan.
Hanggang diyan na lang ang oras natin para sa gabing ito. Maraming salamat sa inyong pakikinig. Itong muli si Ramon Jr. na nagpapaalam at nagpapaalalang ang kabutihan ay ipinapasa, hindi ibinabalik.
|